24 Replies

Dream feeding ginagawa ko kay baby kapag ganyan. Kahit tulog sya, kakargahin ko lang tas offer ko milk bottle. Dedede sya ng kisa kahit tulog sya dahil sa rooting and sucking reflex. Tapos burp ko rin sya kahit tulog..if 10 minutes di pa sya naburp, kinakarga ko lang sya 15 minutes para di maglungad tapos inihihiga ko na ulit. Ngayon 4 mos na sya, inihihiga ko na lang sa unan pag dedede ng tulog. Pero pag madami na syang nainom na milk sa umaga, di ko na pinadedede sa gabi. Mahihirapan din kase syang magpoop pag kulang sa milk.

Wag po gisingin mommy,kusa naman yan gigising pag nagugutom.. Baby ko mag 3months na sa 13,pag gusto nya dumede gumigising sya kusa tpos sinisipsip ang kamay at nag iingay.minsan nagigising asawa ko,ginigising nya ako para padedehin si baby,sakin kasi sya nadede sa gabi

Ganyan talaga ang baby, Ako nga 3 months naging ganyan baby ko. 12 hours hi di dumedede, pero pag gising sa umaga dun lang sya dedede, pero make sure pag nagdedede sya sa morning yung mabubusog sya. Kasi dun lang sya bumabawi sa hindi nya pag dede sa magdamag.

Momsh ganyan din baby ko mag 2mons palang siya sa May 23, regular na tulog niya sa gabi, minsan 9pm-5am tulog lang siya, ginigising ko para dumede ayaw naman sipsipin natutulog pa din siya. Pag wala siyang nararamdaman ganyan ang tulog niya. Nag aalala nga din ako e.

Pero ngayon ok na si baby. Nangigising na siya kahit tulog na nadede na :) Magbabago din yan mamsh.

Kalma lang mommy. Nagpapalaki mga babies kaya ganyan matulog. Gigising namann yan pag gutom na. Ganyan din baby ko hehe 3 months na siya and she’s perfectly fine and gaining weight.

kailangan po gisingin or ipasuck mo nipples mo sa mouth nya. mattrigger na sya dumede. madedehydrate kasi kapag masyadong mahabang oras na hindi nakadede.

Nothing to worry. Luckily mabait si baby mo di ka pinupuyat during bedtime. And kapag need naman nila milk gigising sila kapag hungry na.

Sabi ng pedia.. wag daw gisingin.. ggising nmn daw ng kusa ang baby para dumede.. wag daw istorbohin ang sleep ng baby khit kkain na sila

VIP Member

try dream feeding po. lagay nyo lang sa lips ni baby yung bottle/nipple po ninyo, if magdede go lang. if hindi, di po gutom si baby.

Nag ppalki kasi sya, khit ang ang 1 week old bb ko, d nggising khit gsingin ko pra dmdd. Hnhntay ko sya mgising, pra dmdd

Trending na Tanong

Related Articles