Secondhand Smoke from Vape

Hello mga mommies! I am 5 months pregnant with my 2nd child. Nagising ako ng madaling araw kasi naiihi ako. Nakita ko yung asawa ko na nagve-vape sa room namin, bukas ang AC at closed ang area. Naglalaro kasi sya ng computer game at hindi ko alam kung ilang oras na kaming nakakalanghap ng usok na yun kasi natutulog kami. Ilang beses na naman pinag usapan to pero di pa rin sya tumitigil. Ang masaklap pa, kasama din namin si eldest namin na 3 yrs old sa room, so nalalanghap din nya yung secondhand smoke from vape while sleeping. Nagalit talaga ako mga momsh. OA ba ko nung sinabi ko na pag di sya tumigil sa ginagawa nyang yun ay lalayasan na namin syang mag iina? #advicepls #pleasehelp

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nag yoyosi ako and vape too. im also a mom let him see my comment if u want yes it is harmful not only sa user but to those na nakakalanghap. yosi marami na studies ung vape konti pa lang but remember the fact na before magkaron ng concrete study sa yosi ginawa pa tong medicine sa hospital and they only figured it out nung marami na namatay and sa lungs ang tama. vape smoke is harmful po. dahil hindi naman sya dapat nasisinghot natin 😮‍💨 its not normal for us to inhale it. magkakaprob tayo sa baga natin pag ganon lalo kung regularly nangyayare 🤔 mahirap tigilan ang bisyo tandaan nyo yan. its mental. pero kaya naman po magkaron ng precautions para wag na mandamay sa bisyo diba. designate an area to vape or smoke. or move ur pc to another location away from the kids.

Magbasa pa

Hi Momsh, being OA is totally okay kasi you’re just protecting your baby especially your pregnancy. Dapat naman talaga cautious tayo with our surroundings. But let me share yung experience ng cousin ko who miscarried at almost 7 months. Her husband was vaping around her, not knowing that vape smoke pala is also dangerous. When she gave birth to her premature baby, sandali lang nabuhay si baby coz wala syang lungs at all, parang smoke lang daw according to xray. The doctor suspected them if nagyoyosi/vape ba sya, she said no, but her husband was and around her too. The doctor told them it was also one of the reasons why. Kasi kahit vape smoke pala, harmful pa rin especially to pregnant moms. Just talk to your husband and discuss the risks, maybe he’ll listen this time.

Magbasa pa

It’s not being OA. Your feelings are valid lalo na kapag ilang beses mo nang sinabi sa partner mo and apektado ang kids niyo. My suggestion would be communicate it properly with him ng may halong concern and pakikiusap sa tone ng voice mo. Ilatag mo rin mga pwede maging epekto sa inyo. If hindi niya kayang tanggalin sa buhay niya paunti unti ang vape mag adjust kamo siya sa labas siya mag vape. Next is isama mo siya sa check up session with your OB para siya ang masabihan directly. Prevention is better than the cure. 💗

Magbasa pa

husband ko kinausap ko about dyan .. yosi tlga sya tapos pinakita ko sknya kung anung pwede mangyari sa bb pagnakakalanghap ang buntis ..ayun di man sya tumigil pag alam na palapit na ako tinatapon nya o kaya malayo sa bhay pag magyoyosi tapos maliligo n pag lalapit sakin.. minsan kasi di mo tlga mpapatigil sila buhay n ata nila yan pero ipaliwanag mo mo pwede mangyari sa maayus na paraan .. sila na mag aadjust para kasi silang bata na di mo madadaan sa galit gusto pa may halong lambing 🤣

Magbasa pa
TapFluencer

Aww Mommy! just let Daddy know how you feel and how this can affect fetus and yung anak ninyo. tell him nicely muna para hindi siya maging defensive. parang pa hapyaw na "Daddy delikado pala daw kay baby pag nakalanghap ako ng vape o secondhand smoke habang buntis." Have an ultrasound with OB to confirm if okay si babyy. pero i think it's all well. especially if once lang nmn nangyari.

Magbasa pa

Hello momsh, 5mos preggy here for the first time. Yan din prob ko nuon buti nalang at after ilang beses na pinagsabihan ko sya binasag na nya vape nya to end na with his bisyo. Sana dumating din ang time na e end na din ng husband mo yan kasi hindi talaga sya good lalo na sa ating buntis.

Naku momsh malala pa ako dyan,sinabi ko sa partner ko na once nakakuha ng sakit yung anak niya dahil sa yosi niya mawawalan sya ng karapatan sa bata. Seryoso ako,gagawin ko tlga yan. Aba,napakahirap pag bata ang may sakit,napaka-delikado.

Same stress pero di sa asawa ko galing. Yung kuya ko ilang beses ko na pinakiusapan na sa labas maninigarilyo dahil naaamoy ko yung yosi at shempre kumakapit ang usok sa dingding ng bahay. napakahirap makiusap. sinabihan pa akong maarte.

VIP Member

Mas malala po kapag ikaw ang nakakalanghap kesa sa gumagamit.Ipaintinde nyo po sa kanya kung anong possible na mangyari, he's a parent now you should do safety first for the kids kesa magsisi sya bandang huli.

Mas malala po ang second hand smoking kaysa first hand, malaking epekto sa mga bata especially sa baby mo sa tyan. Strongly NO po ang vaping and smoking. Alam naman dapat yan ng asawa nyo