Back to work

Hi mga mommies, hingi lang sana ako ng konting advise. Pareho kami ng company ng asawa ko (bpo) and they offer Work At Home naman, patapos na sa July 14 yung Matleave ko kaya lang parang nahahati ang puso ko sa twing iisipin ko na hindi ko na matutukan yung anak ko. Nakabukod kami and we are renting an apartment, ayoko namang ipaalaga sa iba(even kamag anak) yung anak ko dahil bka gaya ko lumaki ng malayo ang loob sa nanay. Half of me gustong bumalik sa trabaho dahil masyadong makwenta sa pera yung asawa ko baka dumating yung araw na pati piso hanapin nya sakin. Half of me gustong maging plain housewife kahit walang pera dahil dko kayang mawalay sa anak kO, BF pa sya ayaw dumedede sa bote. Ang dami kong iniisip nung malaman ko araw ng balik ko sa work, naiyak ako. Pinagmamasdan ko anak ko habang tulog at umiiyak. Gusto ko talaga ako magpalaki sa kanya, dko naman msabi sa asawa ko na magresign nalang ako kasi bka isipin nya tinatamad lang ako. Sobrang hirap. ๐Ÿ˜ญ Kung ako siguro ang masusunod, gusto ko muna palakihin anak ko kahit atleast one year before going to work, kaya lang baka hindi kayanin mag isa ni hubby yung bills namin. Nakakaloka na ๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜”

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas tayo mommy, back to work na rin ako ngayong Monday. Iniisip ko pa lang na iiwan ko sya ang hirap kasi gusto ko rin na ako tumutok mag alaga sa kanya kaso di pwede madaming bills na kailangang bayaran. Kausapin mo muna hubby mo, iassess nyo financial situation nyo. Kung kaya ba na sya lang muna kahit one year lang para maalagaan mo si baby. Kung sakaling pumayag at sya lang magwowork irecord mo lahat ng expenses nyo miski piso lang yan para matatrack nya kung san napunta pera kasi gaya nga ng sabi mo mkwenta yon para di ka hanapan.

Magbasa pa
5y ago

You're welcome. ๐Ÿ™‚

Up