36 weeks ako pero ang compute ng ob 37weeks na

Hello mga mommies๐Ÿ‘‹๐Ÿป๐Ÿ‘‹๐Ÿป๐Ÿ‘‹๐Ÿป, hindi po ako makapag post e kaya mag cocomment nalang ako sa mga team March din, March 4 po EDD ko sa trans v, tas ngayon kabuwanan konadaw po sabi ng OB nag pacheckup ako kanina tas nagulat ako 37 weeks na yung compute nila saken, pinapa Ultrasound nako tas pinapatake ng evening primrose, dibali babalik ako next lunes ang followup check up ko, sabiko kay mister hindi munako iinom or gagamit ng primrose kasi masyado pa maaga sa weeks, nag kamali lang ang computation nila siguro, May 28 2022 LMP ko, lumalabas talaga sakin at alam ko talaga from the start na 36 weeks and 3 days palang ako ngayong yung araw. Dibali ang plano ko sa Sunday nalang ako mag papa ultrasound para pasok na talaga sa ika 37 weeks ko. Then sa lunes kakausapin ko yung OB about sa concern ko, tama poba gagawin ko mga mommies?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

June 4 lmp ko. March 11 ang edd ko, as of now, 35weeks 2days ako. and by Feb 18, 37weeks na ko at term na yun owede na ko maglabor kung gugustuhin ng baby ko o ng OB ko. Yung March 4 mo yan ang 40th week mo.. kung anong desisyon mo yun ang gawin mo basta make sure na di ka nagaalangan sa desisyon mo, dapat 100% ka talaga.. ang pagtake ng primrose kasi actually di naman biglang paglambot at pagbuka ng cervix mo mangyayari dyan.. lalo kung pag IE sayo sobrang kapal pa ng cervix. kung gusto nyo po talaga magwait, contact your OB now kesa maghintay pa po next week..

Magbasa pa

Hi miii. Pareho po tayo ng LMP (May 28, 2022) at EDD (March 04, 2023) sa first ultrasound. 36 weeks and 3 days po ako today, yun din po ang computation ng OB ko ๐Ÿ˜Š. Kapag nagtake po ng evening primrose, doesn't it mean po na bubuka po agad ang cervix nyo po. Case to case basis din po kasi. May iba na mabilis mag-open, yung iba naman matagal. Pero better if you consult your OB po para rin po sa ikapapanatag ng loob nyo po

Magbasa pa
2y ago

Opo mhie, sa Friday mag start nako gumamit nun, 37 weeks napo ako nun e, bawal padaw po 36 magtake ng evening primerose

TapFluencer

mag base ka sa Unang UTZ mo mommy, yun ang tama.. Madalas rin nagkakamali ang bilang ng OB, kapag ganyan tinatama ko sila ๐Ÿ˜‚ Actually every visit ko iba iba silang ng computation.. Pinapakita ko ulit unang UTZ ko para magtugma kami ng bilang

2y ago

๐Ÿ˜‚ ganyan nga mga OB

March 3 EDD ko sa ultrasound mi pero compute ng medwife sa center namin 35 weeks and 4 days sa ultrasound ko naman 36 weeks and 5days na, medju nalilito din ako

2y ago

same lang po sa latest ultrasound ko 36 weeks na

Ako po mommy may 27 po lmp ko and 36 weeks and 5 days po ako pero sa ultra ko po march 14 edd ko pag sa lmp march 3

Ako nman po sa lMP ko June 18 due date ng ultrasound ko is March 15 im currently 34 weeks and 6 daysโค๏ธ

Same tau EDD mii.. March 4.. peru LMP ko May 23, 2022