Early Signs of Labor
Hi mga mommies. Hindi ko alam kung tama lang ba yung nafefeel ko. Pero grabe. Ilang araw na akong balisa. Early sign na po ba ito na maglalabor na ako? 37-38 weeks na rin po ako. Wala pa nalabas sakin na mucus plug or blood pero sobrang sakit na ng tiyan ko madalas. Hindi sa puson eh. Tiyan po talaga. Tapos feeling nag LBM ako madalas. Yung unang pic na naka blue kahapon yan. Medyo mababa na raw tapos yung naka black ako is today parang tumaas ulit. Kagabi naiiyak ba ako sa sakit ng tiyan ko pero tinitiis ko lang. Di ko maintindihan na yung sakin. Ngalay na mga legs ko. Tapos likod ko masakit na rin. Ayaw ko pa magpadala sa ospital kasi parang di panaman siya lalabas talaga. Baka pauwiin lang ako.
Mommy of a cute little monster. ❤