22 Replies
ganyan din baby ko momsh pero may UTI tlaga siya nkita sa urinalysis niya is may dugo and nana siya na admit kmi nun sa hospital for 4days Kasi nilagnat Ng mataas tsaka nagsusuka. Nung nkalabas na kmi niresitahan siya ni doc oral na antibiotic for 7days but after 7days may ganyan pdin ihi ni baby, may prob din ako sa pag iihi Niya ksi Umaga hangang maghapon parang 1beses lang umihi si baby sa diaper Niya pinapadede ko naman at pnapainom Ng tubig. Hindi palagi napupuno diaper Niya pero pnapalitan ko every 4hours diaper Niya kahit wla laman ksi nagcacause Yun Ng UTI daw Sabi ni doc pagnababad Ng matagal sa ihi Meron din kahit pure breastfeed ka momsh sa mga kinakain mo nman Yan Kasi nkukuha din Yan ni baby. btw 7months na baby ko
gnyan yung sa baby ko minsan orange or pink na lumalabas akala ko pa nga dugo pinacheck up ko anak ko sa pedia 4months baby ko sabe ng pedia its normal. nmn daw dhil sa sobrang init ng panahon dapat lage daw padedehin c baby.para hndi madehydrate. hndi daw sya UTI ang uti daw sa baby mapapansin daw kase agad yun halimbawa kada ihi daw ni baby eh umiiyak sya that is sign of UTI . .. pero inobserbahan ko anak ko hndi nmn sya umiiyak pag naiihi so nakahinga ako ng malalalim. then sinunod ko yung pedia na padedehin ng masmadalas at ayun nga nawala nmn sya ☺️
ilang weeks na ba si baby? if newborn like kalalabas lang normal kasi na may blood tinge due to maternal hormones na kuha ni baby. pero kung months old na like 2months up, possible uti po. and yes nagkakaUTI if nababad sa diaper o poops ng matagal. kung baby girl, yung way ng paglilinis sa pepe ni baby, mali. best po talaga na consult na lang kay pedia po🙏
Para ba syang powder? If yes, crystal oxalate/brick dust yan mi. Normal sa 1st week of life ng baby. Pero if 5months na sya it could be dahil dehydrated si baby. Baka po kinukulang sya ng dede. Nagkaganyan baby ko nung 1st wk nya, pina increase lang pagdede. Hirap kasi kami sa pag breast milk non. Pacheck up po para sure baka kasi dugo baka may uti, di po kasi sobrang linaw ng pic
kakadala ko lang sa pedia ni baby khpon kase sunday ng gnyan din sya, pina urinalysis okay naman ang result..observe lang daw..malakas naman dumede si baby kaya i know di sya madedehydrate but sa sobrang init ng panahon ultimo ihi nya hindi ba gaya noon na halos every 2 hrs kase sobrang pawisin ni lo sbe ng ob due sa panahon daw tlga..padede lng ng padede..ebf din ako.
ganyan din po sa baby ko 4mons plg po sya sakanya nga po ilang beses na sya nag ganyan e . kaso sbe sa init daw po at dehydrated. at bka daw po nilalabas nya pden po mga nakaen nya nung nasa tyan daw po sya . pero if ever na di sya mawala ngayong maghapon mas ok po na ipa check na den po
5 months din si baby mi ganyan din minsan ang ihi may konting stain kaya sa gabi ko nalang muna siya sinusuotan ng diaper . kapag walang diaper madami naman siyang ihi.sa init lang talaga yan
oo mi ganyan patak patak. kapag naman naka short lang siya ang dami naman ihi
nagka ganyan din 1st born ko. na praning kami pina check up agad namin. na urinalysis sya and chineck kidney ok naman lahat. sabi ng pedia nya baka may naiwan lang daw na dumi sa loob.
ganyan din baby ko mii nung 5months siya tas pinacheck up ko wala naman siyang uti more milk lang mi kasi mainit ngayon kaya Pati pagihi nila naapektuhan Pero pacheck mo parin
ganyn din baby ko Minsan pero ksi nglalagay Ako ng powder SA diaper nya kaya I think stain LNG UN ng ihi
Anonymous