Ungrateful
Hello mga mommies happy mother's day to all. Gusto ko lang iShare Kasi sobrang sama Ng loob ko. Nagpadala ako Ng 500 sa nanay ko for mother's day, Yan palang nakayanan Ng budget ko e. So nagtanong ako Kung nakuha na ba nila, Kasi gusto ko Sana sabihin sa kanila " Kain kayo sa labas bukas Kasi mother's kahit simple lang" nagalit nanay ko dahil "500 LANG" kailangan pa mag Thankyou. Ang akin lang kahit di na mag thankyou magsabi lang na nakuha na Kasi Hindi Naman nila hiningi yon e nagkusa ako. Naungkat pa na nagbibilang daw ako, kapag hihingi daw sila dami ko pa sinasabi, (actually nag explain ako na ganitong amount lang mapapadala ko muna Kasi nag expect sila na ganitong amount dapat ko ipadala) Sasabay pa stepdad ko sasabihin "500 lang kailangan pa mag Thankyou at magsabi na nakuha na" akin lang kahit walang thankyou bakit parang ungrateful pa nila na naalala sila. Nagalit pa nanay ko dahil late daw kami bumati well hindi pa Naman tapos mother's day Kasi daw yong iba nag popost sa FB maaga palang may cake and flowers daw. Hindi ko kinakaya nanay ko, sobra yong sama Ng loob ko. Madamot ba ako? Masama ba akong anak? Nagbibilang ba ako? LAHAT Naman binibigay sa kanila halos Wala na ako ipon kakahingi nila. Nasa malayo pa ako mag isa walang kamag anak sarili ko kinakaya ko while working tapos ngayon na buntis ako nahihirapan ako sa stress na binibigay nila saakin.