Pagkahilo at biglang pagdidilim ng mga paningin

Hello mga mommies. Habang nasa simbahan ako kanina hindi naman mainit kasi 7 am palang malakas lakas pa ang hangin ngayong kasi sa bagyo kasu bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo at pandidilim ng paningin pagkatapos halos di na ako makahinga ng maayos dahil sa nararamdaman ko. I'm currently 20 weeks and 4 days now. Sino na pong nakaexperience ng ganito? Dati sa 1st baby ko noong kabwanan ko na naramdaman ang ganito. Mashado ata akong maselan ngaun, normal naman ang blood pressure ko nasa 100/80 or 110/80 lang ako lagi since every month ang check up ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nangyayari na kahit normal ang bp monthly, magugulat na lang na biglang tumaas ang bp. nangyari sakin. kasabay ng hapo or shortness of breath. hindi naman ako nahilo or nandilim ng paningin. paki check na rin ang bp para sure. pahinga na muna at uminom lagi ng tubig. consult OB lalo na kung nandilim ang paningin at halos hindi na makahinga.

Magbasa pa
2y ago

thankyou po. actually parang shortness of breath din ang akin nagkamali ako sa halos di na makahinga hehe.