Meron o wala?

Mga mommies. May gusto sana akong itanong kung ano sa palagay niyo kung tama ba tong nararamdaman ko. Im 31 weeks pregnant po pala btw. Mahaba habang kwento po ito sa please bear with me. Si hubby kasi, meron siyang kaworkmate. One of the boys ang asta niya. Kaya sa lahat ng inuman, yosi break etc kasama siya. Ang hindi ko lang magets sa kanya, sa lahat na gf at asawa ng mga kaworkmates niya, talagang ako ang never niya kinausap or pinansin. Instance #1: Isinama ako ni hubby sa team building nila. Hindi pa po ako pregnant nun so okay lang makipaginuman. So andun na ako sa circle na nagtatagayan, katabi ko hubby ko. Yung iba katabi din gfs/wifey nila. Itong si ate girl ang nagtatagay. Deliberately hindi nya ako tinagayan, or inalok man lang. So hindi na lang ako uminom. Binalewala ko lang tong pangyayaring to. Instance #2: May gig si hubby, and isinama niya ulit ako. Inalok nya din lahat silang magkakaworkmate. So yun, magkakasama nanaman sa iisang table. After a while, inalok ni Ate Girl yung lahat ng kaworkmates nila na lumipat ng table. Dun na ako nainis. Naiwan ako magisa sa table kasi sumunod silang lahat pagalok niya. Si hubby ko lang ang sinamahan ako. Nagkataon din na may mga dumating na sating kabandmates ni hubby so lumipat narin kami ng table. Simula ng dalawang pangyayaring yan, talagang uminit na dugo ko sa babaeng to kasi di ko alam kung anong deal niya sakin. Fast forward last week. May convention trainingng sila sa Manila, from Wednesday to Sunday. Nagkatampuhan kami ni hubby ko during these times kasi hindi nya ako nirereplyan. Nabusy daw kasi. Nung umuwi na siya at nakatulog na kasi mahaba byahe, chineck ko phone nya. Nakita ko sa convo nila ni Ate Girl na nagpapaalam si ate girl kung pwede daw ba ipost nya pictures nila. Baka daw ma-gg ako. Di si ako naman, nainis nanaman kasi sino siya para sabihin na ma-gg ako. Kilala nya ba ako? Alam nya ba kung anong mga bagay ang ikinaka-gg ko? Sagot naman ni hubby ok lang daw. Mejo okay na kami ni hubby nitong mga panahon na to. Nagsorry sya at inamin na mali sya. Fast forward last Saturday. Dahil nga sa nung last last week eh wala si hubby, expected ko na magbabawi samin ng anak nya last weekend. Yun pala may lakad nanaman silang magkakatrabaho. KTV daw. Hindi sumama si hubby kasi wala akong kasama sa bahay pero ramdam ko na gustong gusto nya pumunta saka nainis sya sakin. Nkatulog ako ng 9pm tapos nagising ng 10pm. Sinilip ko siya sa baba. Umiinom syang solo. Di sabi ko ok, napapainom siguro talaga. Mga bandang 1am, may dumating na kaworkmates nyang tatlo at isa dun si ate girl. Dun na ako nagalit. As in di ko nakontrol galit ko kasi alam namam ni hubby na mainit dugo ko sa babaeng yun, inalok alok pa dito sa bahay para maginom. Inintay ko sila matapos hanggang 3am tapos kinompronta ko si hubby. Galit na galit talaga ako nun kasi di ako makapaniwala. Hindi ko naman sya makausap matino kasi lasing na lasing. Nung nakatulog siya, chineck ko ulit cp nya. At yung ate girl na yun ang talagang nagalok na after nila mag ktv, puntahan daw nila si hubby. Ito naman kasing si hubby, nagpost sa gc nila ng picture ng redhorse tapos solo syang nagiinom. Ngayon itatanong ko sana sainyo, dapat na ba akong mabahala? Dapat ko na bang kausapin nh masinsinan si hubby about kay Ate Girl? Sa tingin nyo, may something na ba sa kanila? Pasensya na po napahaba ang kwento, pero sa mga sasagot, maaappreciate ko po ng sobra kasi di ko alam kung napaparanoid lang ako o dahil lang sa hormones ko o talagang evident naman na may dapat akong ikabahala. THanks po.

51 Replies

baka type nyan yung hubby mo hay nako. ingat ka momsh. kadalasan sa office madaming malalandi at makakati na babae tulad nung officemate nung lip ko lagi inaaya maginom lip ko. partida may anak na yun wala lang partner, tas ako aagawan pa ng tatay yung anak ko. niratrat ko talaga yung babae momsh kasi napakalandi nung babae. nabasa ko kasi mga convos nila. nagdadasal na lang talaga ako na wag na maulit yung sakit na naramdaman ko kasi sobrang hirap ng sitwasyon ko nun 🙄

ako din sis. pagkapanganak ko sasabihan ko ulit na lumipat na siya ng work. kasi mahirap yun para satin e hindi matatahimik yung utak natin lalo na kung sa ganun sitwasyon tas andun pa din sila sa pinagwworkan nila. meron din si lip ko na nakakasama na feeling one of the boys tas nagpapahatid pa siya sakanila. sinama ba naman sa bahay, di man lang marunong mag hi or hello dire diretso lang samantalang yung dalawang kasama ng lip ko na lalake binati ako 🙄🙄 nakakaloka

pareho po ba pagttreat ng babae sa mga kawork nya bukod sa hubby mo? kasi if hindi, if mas may special syang treatment sa hubby mo ay iba na yan sis. dapat kausapin mo nalang sis yung hubby mo. yung babae may gusto sa hubby mo and si hubby mo naman pinapakisamahan lang siguro yung girl since kawork naman din nya, wag ka magpakastress sa babae na yan sis sabihin mo nalang kay hubby na di ka komportable or naiinis ka dun sa babae.

nako mommy. hottie yata si hubby kaya ganun eh hahaha hayaan mo sya sis kung ganun as long as hindi pinapatulan ni hubby pabayaan mo lang basta sabihan mo nalang po si hubby mo about sa nararamdaman mo about sa girl :)

VIP Member

kausapin mo na po hubby mo. ako nga yung partner ko malayo kasi kami ngayon sa isat isa pero naoopen ko messenger niya may babaeng di ko gusto style kaya di niya gaanong pinapansin pag di related sa acads ang sinasabi tapos na idp pa niya muka namin. kumbaga binigyan niya ako ng assurance na akin lang siya kahit sino pang babaeng umaligid. kaya po kumilos ka na. mahirap kalabanin pag ang palay na ang lumapit sa manok.

Dapat siguro po sabihin niyo na sa knya ano nararamdaman mo para rin malaman kung may dapat ba tlagang ipangamba o wala kasi mag asawa so i think dpat lang na pinag uusapan agad kung ano man kahit na maliit lang na bagay kasi you are one na so dapat alam ng isat isa kung ano nararamdaman niyo,, sana makatulong at i pray na maging maayos po niyo at mas maging strong papo ang relationship niyo bilang mag asawa Godbless po

opo sinabi ko sa kanya lahat lahat after ng pangyayaring yun and so far nararamdaman ko naman sa kanya na nagbabawi...

May kilala nga akong friend kong girl parang ganyan din set up may banda din yung asawa nya tapos ka workmate itong si girl. Lahat nalang ng gig at occasions kasama si girl. Punta pa sa bahay nila kalaro ng kids. Angbait bait kuno ni girl sa buong family. Yun pala may relasyon na sila nung asawa ng friend ko. Buti nga yang si ate girl at obvious na ang kalandian hindi yung hokage moves pala.

VIP Member

Ito yung ayaw kong maranasan at maramdanan ulit, dati rin kasi nahuli ko yung bf ko na ka chat niya yung friend niya nung college, single si girl sinasabi ng bf ko na siya nalang daw kasi, sabi naman ni girl paano daw ako? Sabi ng bf ko na okay lang naman daw kung dalawa kami, sobrang sakit sa pakiramdam na mabasa yun dahil nung nakita yung date, kakapanganak ko lang sa panganay namin.

Sobrang halata naman na may motibo yang babaeng yan. Una, kung alam ng asawa mo na magiging away lang yan, sana sya na mismo umiwas kay ate girl. At kung nasa matinonf pag-iisip si ate girl dapat maintindihan nya yan. Kausapin nyo na po ng matino si hubby. Nangyari na kasi samin yan ng asawa ko pero magjowa palang kame noon. Same, may babae na pabibo noon sa asawa ko.

Hahah naiinis ako sa girl. Baka may gusto yan sa hubby mo kaya di ka pinapansin at laging buntot ng bunto kay hubby mo. Try to talk to your hubby. If not, block the girl. Hahahaha parang ganun kasimple lang. Hay ewan. Kung ako niyan, mapapagalitan ko si hubby at sasabihang iwasan ang girl, kung hindi, ako ang iiwas. Bhala sya sa buhay nya. Kapagod mabwesit. Hahha

VIP Member

Nako!!! Daig ng MALANDI ang maganda,mabait , maalaga ,mapagmahal na asawa lahat momshie. Kaya kung ako sayo obserbahan mo ng mabuti hubby mo. Pero wag mo nman syang awayin maya't maya ha. Ipakita mo na mahal na mahal mo sya pero wag kang pumikit at magbulag bulagan. Tandaan! Pag may gusto may paraan, pag ayaw madaming dahilan. Kaya yang babaeng yan. Bantayan mong maigi.

opo observe observe nga po ako talaga. hinuhuli ko if may something. so far sa part ni hubby wala pa naman

Momshie ..ako sayo kausapin mo hubby mo layuan SI girl ..maliban sa mukhang malandi nanggigigil ka kamo ..Kasi ako sinasabe ko sa hubby ko Yung mga taong ayaw ko na kasama nya kahit pa lalake ..mga friends nya na may kabit ayaw ko din ,sinasabi kong layuan nya Nan dyan Kasi Ang tuksuhan NG Barkada ..at Alam NG hubby ko Ang ugali ko pag ayaw ko sa Tao ayaw ko ..

Trending na Tanong

Related Articles