Napako sa talampakan na may tetano. 1 year pa lang ako nakakapanganak.
Mga mommies ganito po kasi habang naglalakad po ako pumasok sa tsinelas ko ang pako at nabaon sa talampakan ko , ilang araw po ang sintomas po nito? Naghahanap po ako libreng turok dahil sa wala akong budget pa. Need ko po sana ng advice kung epek pa sya agad?
Napako sa talampakan na may tetano. 1 year pa lang ako nakakapanganak. Hello mommy! Una sa lahat, huwag ka masyadong mag-alala pero importanteng aksyunan agad ito para maiwasan ang komplikasyon. Ang tetano ay isang seryosong kondisyon kaya't kailangang maagapan. Ang mga sintomas ng tetano maaaring magpakita mula 3 hanggang 21 araw pagkatapos ng pagkakatusok ng pako, ngunit kadalasan ay lumalabas sa loob ng 8 araw. Ang ilan sa mga sintomas ay paninigas ng kalamnan, lalo na sa panga, hirap sa paglunok, at pananakit ng ulo. Dahil nabanggit mo na wala kang budget, subukan mong pumunta sa pinakamalapit na health center o barangay clinic sa inyong lugar. Marami sa mga ito ay nagbibigay ng libreng bakuna laban sa tetano, lalo na kung emergency case ito. Sabihin mo lang sa kanila ang iyong sitwasyon at siguradong tutulungan ka nila. Habang naghihintay ka ng medical attention, siguraduhing malinis ang sugat. Hugasan mo ito ng sabon at tubig, at takpan ng malinis na bandage o tela. Iwasan ang paglalakad nang walang sapin sa paa para hindi lumala ang sugat. Sana gumaling ka agad, mommy, at ingat lagi sa susunod! https://invl.io/cll7hw5
Magbasa papunta na po kayo sa nearest center niyo since sila din yung magtuturo sa inyo if saan may libreng paturok. Wag na po kayo maghintay ng sintomas since lalala lang po yan ang normally pag may symptoms na e mas malala na po yung condition. Sasabihan din naman nila kayo ng proper care after that.
wag hintayin kung kelan possible lalabas ang symptoms dahil it depends and it varies. as per DOH, 10 days after the initial infection. as much as possible ay take the shot as soon as possible.
If ever na may tetanus shot kayo nung nagbuntis kayo, alam ko po up to 5 years syang covered. Pero inform mo pa din yung magtuturok sayo.
Dupuan nyo po muna pinainit n kalamansi ..then paturok po kau sa may Center nyo kung my libre titanu
mi agapan mo yan delikado po ang tetano, try mo sa cityhall ninyo may mga libre po
libre lang sa brgy health center
Fulltime mom of 5