Mga mommies, FTM here! Problema ko kung paano linisin tongue ng baby ko. 2months na po siya and never ko pa po nalilinisan. Sorry if it sounds pabaya ako. Pero wala pa po kasi akong idea about it kung kailan dapat at kung papaano siya dapat gawin. 😓😮💨
I asked her pedia naman about sa paglinis ng dila ni baby. I asked her: "Dok, need ko na po ba linisan dila ni baby?"
And she answered "kahit di na muna"
Pero ngayong 2months na siya napapansin ko na parang kumakapal na. Minsan nababawasan naman siya pag nagtagal. Pero alam niyo po yon, yung feeling ko... Atat nakong iscrape lahat nong mga yon sa dila niya. Gusto ko na talagang linisan.
Sa sobrang tempted ako, kumuha nako ng malinis na tela at binasa ko ng warm water at sinubukang punasan dila ni baby. Kaso po parang nahihirapan po ako na linisin kasi parang nasasaktan ko ma siya..pero gustong gusto naman ni baby. Sinusubo niya parin kahit nakailang attempts na ako. Kaya kabg po andon yung takot ko na baka magkamali ako. Na baka bigla siyang magsuka or baka masobrahan ko.
Hindi ko po talaga alam kung pano. May mga tips po ba kayo jan or baka naman hindi pa po ba necessary na malinisan muna yung dila ni baby not until she reaches a certain month of age?
I need you guidance mga mommies, first time ko po kasi ito. And mag isa ko po kasi na inaasikaso lang baby ko.
What should I do?
#firsttimemom
#adviceplease
#ineedhelp