Transition from breast to bottle

Mga mommies esp sa mga working moms na nagpabottle galing sa ebf, pahelp naman po. Any tips po para masatulungan ko si baby sa transition nya from my breast to botlle (expressed breastmilk ang gagamitin) kaso ang problem ko nung una nagdedede sya, pero kung kelan 1week na lang at papasok na ko (after matleave extension na) biglang nagiiyak na sya pag pinapadede ngbdaddy nya sa bote. Pag lalapit ako, dun lang tatahan at sa boobs ko lang gusto. We tried comotomo, avent, mama's choice, tommee tippee per ayaw nya, sa pigeon dun lang sya magdede. Tried expressed milk yung bago lang pati yung galing na sa freezer dinedede nya noon pero ngayon ayaw na. Baka may iba pa po kayong masuggest na tips? Para kaming back to zero sa pagintroduce ng bottle ulit..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Recommended po ang cupfeeding para maiwasan po ang nipple confusion kay baby. Kailangan din ang matinding patience at tyaga sa maga-alaga. kapag tuturuan si baby, dapat wala si mommy sa paligid. Very smart kasi ang babies natin, at alam din nila ang ating scent. Kaya mas prefer nila ang maglatch kapag nandyan tayo ☺️ If you want to continue exclusively breastfeeding, I recommend po joining the FB group "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group about breasfeeding πŸ˜„

Magbasa pa