Center

Mga mommies dapat po ba talagang pumunta sa Brgy health center kahit may private ob?

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Its up to you po .. Ako di pa ako buntis nagpapaalaga na ako sa ob ko until ngayon 5mos na tummy ko, si ob ko din nag advised na magpunta din ako sa health center para yung ibang vitamins makalibre ako at yung tetanous toxoid vaccine .. hehe .. kaya ngayon pacheck up ako sa private ob, tapos sa center din ..

Magbasa pa
VIP Member

Sakin OB and health center kc may gamot si OB ibibigay sa atin na mahal which is same lng sa health center like titano toxoid na free/donation lng yan sa health center. Sa OB nmin kc sya na tlga na doctor mg pa anak sa akin which is good nmn kc monitored nya nmn ako/ tayo. Yun lng po 🙂

Ako po nagpapacheck up pdn sa health center namin kahit may private ob ako. Sayangdin po kasi libreng turok natin as mommy. Lalo po ung turok ni baby, if want nyo po makatipid pwede dun nyo na lang din po paturukan sa center. Mahal po kasi kapag sa pedia

Choice nyo po kung gusto nyo magpacheck up sa health center kahit may ob po kayo. Ako both sayang kasi ang freebies sa health center at para madali na lang sa immunization kc may record na ng prenatal. At ob naman para sa mga di kayang gawin ng midwife.

Actually trabaho ng gobyerno atin ang alamin at alagaan ang mga buntis at nanganganak sa area nyo na covered ng programa ng gobyerno. This is para mamonitor at mapaganda lalo ang health care services natin in the future. Lets help the govt help us.

Ako din pumupunta parin sa health center tska dun narin ako kumukuha ng ibang vitamins like ferous and iron tska calcium sayang ung free na gamut nila.ung binibili ko is ung ibang vitamins na wala sa center.

Sa private OB po ko.. d naman po ko nagcenter nung preggy ako after manganak pabakuna ke baby sa center pati dn po ko pumupunta dn para ipacheck weight, bp. Saka kuha pills po

VIP Member

Sayang kase free vaccine sis. Pero kung afford mo naman na bayaran yun kahit hindi na. Its up to you. Pero mas maganda may record sa center

if gusto mo lang din po ngayong may pandemic at d ka din maka consult sa ob .. sakin kasi meron sa hospital meron din sa brgy..

Sinabi pa nga sakin ng Ob ko na pumunta ako sa brgy para may record ako at mga libre turok para sakin at sa pag labas ni baby.