Transpo

Hi mga mommies. Bale 12th week ko na then working ako so nagbabyahe pa din. Recently lang, pagsakay ko sa bus, sa harap yung nabakante tapos may umupo na din naman na na babae din don so umupo na ko katabi nya. Mejo siksikan din kase ang bus lalo na pamakati at crowded. May sumakay na senior na lalake. Nakatayo lang sya pero nung nagbayad sya, pinaalis ako ng kondoktor sa upuan. Sabe nya wag na at babae daw pero ininsist nung kondoktor. Yung babae na isa hindi naman pinuna kase siguro nasa gilid sya at ako yung unang makakatayo. Tanong ko lang, sa mga ganon, pwde bang sabihing preggy ka kahit di pa ganon kahalata sa tummy? O may possibility ba na sabihan lang na maliit pa naman tyan? O baka hingan ng pruweba?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo ate na preggy kase kahit maliit pa tummy mo kasama sa priority ang pregnant. Nung ako din po standing sa bus 5 months preggy po ako tas mababa placenta ko sinabihan ko po yung konduktor na preggy ako hinanapan po ako ng mauupuan.

Sabihin mo po na buntis ka. Kung ayaw maniwala pakita mo ultrasound mo, lagi mo dalhin.