Baby acne / Rashes (?)

Hello mga mommies! Baby acne po ba to? Sa mukha lang sya meron, wala sa katawan, leeg or mga singit-singit. Sa Friday pa kasi schedule niya sa Pedia. Ano po ba pwede gawin for the meantime? Baka kasi nasasaktan si baby eh. Thank you. #ftm #firsttimemom

Baby acne / Rashes (?)
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes po baby acne, may ganyan din baby ko newborn pa sya. Di naman daw sila nasasaktan natural po yan. Sakin dati nilagyan ko lang ng breastmilk ang acne using cottonbuds then babad ng 20-30mins bago maligo.. Nawawala naman sya eventually after a month. Dont worry lang mommy 😘

yung sa baby ko nawawala naman yung ganyan nya sa muka. kaso meron din pala sya sa likod dibdib at braso. nireseta sakin ng pedia is elica ointment at cetaphil clenser luquid. effective naman yung ointment. di ko pa nagamit yung cetaphil kasi wala ako nabili.

magpa consult po sa pedia kasi yung ibang acne may parang nana baka need mag antibiotic. ganyan din nangyari sa baby ko. Physiogel, mupirocin and antibiotic yung preniscribe ng pedia. So far in just 2 days nag clear na mga acne ni baby

Hi po.. Yes po baby acne po yan, and as per pedia ng baby ko hindi po ginagamot ang baby acne, kusa daw po yan gagaling o mawawala. Just cleanse it na lang po ng warm water using cotton balls.

yes baby acne po Yan ,,better consult your Pedia, Pero gamit KO sa baby ko is Mustela stelatopia cream and cleansing norinsewater and gel , super linis Ng face ngayon.

milk nyo po mismo mommy bago sya maligo bàbadan nyo po muna ng gatas nyo minsan nilalagyan ko petroleum pag tapos maligo yung babyflo pero dipende padin po sa inyo❤️

nagkaganyan first born ko po dati mommy.. calmoseptine po and cetaphil yung ne resita samin ng doctor. pero pa check mo na sa pedia para sure

Post reply image
TapFluencer

pwede mi cetaphil baby na sabon. then tanong nalang po kayo sa pedia ano pwedeng cream na pwede ipahid para mas mabilis mawala.

TapFluencer

Baby acne sya mii eto po ginamit ko sa lo ko , mustela cicastela po , dun po nawala ung gnyan ni baby.

cethapil po Yung liquid pag maliligo sya Yun po pasabon mo sakanya sa pharmacy kapo bumili mii.