Breech posisyon
Mga mommies ask lang po kase im 28 weeks pregnant for second baby nagpa ultrasound po ako nung 26 weeks nakita pong naka breech posisyon pa po sya ano po kayang magandang gawin para umayos ng pwesto si baby? Ipapahilot ko po sana sya kaso natatakot po ako baka mapasama pa pasagot naman po mga mommy
ganon din saakin 26 weeks ako nag pa ultrasound and breech posisyon yung anak ko sa loob sinabihan ako ng doctor na wag mag alala kse daw iikot pa si baby. kaya namn kylangan ko mag pa ultrasound ulit para ma kita kung na sa ayos na ba si baby
Breech din po si baby nung nagpa utz ko ng 26 weeks. Then ngayun po na 30 weeks na ako nagpa ultrasound po ako ulit and cephalic na siya. Kaya don't worry po iikot pa po yan ๐ Patugtog po kayo baby lullaby sa may puson part niyo po.
nagpahilot ko mi transverse din first ultrasound ko nung nagpahilot ako nagcephalic sya now 7months ako cephalic na sya. nothing to worry naman sa hilot basta maalam talaga yung naghihilot sa mga buntis
Maaga pa iikot pa yan. Wag mo na subukan magpahilot at baka mapano pa kayo. Kahit OB hindi nirerekomenda ang pahilot dahil pwedeng duguin.
Wag ka papahilot mi iikot pa yan lagi ka magplay ng music sa may puson mo lagi ako ganon eh kaya nung breech sya 2weeks lang nagcephalic agad si babyโค๏ธ
normal lang po bang may lumabas sa 7months pregnant?
same here breech position si baby nung ngpaCAS ako at 24weeks. sabi ni OB iikot pa nman daw si baby.. Sana ๐๐ป
Same tayo mommy. Hehehe Breech pa din :) Okay lang yan, iikot pa si Baby for sure ๐
Wag nyo pong ipapahilot ,iikot pa po si baby at prayer po tayo kay LORDโค๏ธ
Too early pa. Ilang beses pa yan iikot c baby. Kaya I suggest wag magpahilot.
Iikot pa yan,masyado pa maaga mi.. 28weeks ka palang nman e
Mama bear of 1 active cub