Underweight

Hi mga mommies! Ask ko lang po kung paano masolusyonan yung mababang timbang ko? last check up ko po 4 months po ako, last July 1, 52 kilos lang yung weight ko, dami po tuloy nagsasabi dito na kapitbahay ko na parang hindi naman daw po ako buntis kasi ang payat ko tapos hindi kalakihan yung tiyan, para po tuloy akong napapaisip sa sinasabi nila, parang nadadala ako hehe. Payat po talaga ako, manipis lang yung kamay ko tapos hindi kalakihan yung tiyan ko.

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nga po nung 7months preggy. 42kls. lang 😔 petite kasi ako momsh. hindi talaga ko tabain kahit noon pa.. Ngayon 8months na tummy ko, sanan nadagdagan timbang ko kasi baka magalit si OB sakin 😅 hina ko daw kumain eh, kahit dinadamihan ko naman lagi kain ko.