Hilab 32 weeks and 5 days

Hi mga mommies, ask ko lang po baka may kaparehas ako ng sitwasyon. Last week Hirap ako sa pagdumi sobra, ginawa ko na lahat, papaya, yakult, kumain na ako ng mga pagkaing mayaman sa fiber, kaso wala padin umabot na sa 9 days na hindi ako nakadumi nung pang 10 days ko grabe yung hilab ng tiyan ko naisip ko baka yun na yung time para magdumi, success naman nakadumi ako kaso diko natapos πŸ˜“ nandilim na yung paningin ko nanghina ako sobra, inalalayan na ako ng asawa ko palabas ng c.r at para tumayo kasi diko talaga kayang tumayo dahil sa sakit ng tiyan ko, naramdaman ko pa yung paggalaw ng baby ko paibaba, ang sakit ng vagina ko nun. Nagtake ako ng duphaston after 10 mins umeffect naman nawala yung pain paunti unti, akala ko okay na kaso habang lumilipas ang araw palagi ng humihilab ang tiyan ko tapos nanghihina na din ako lagi kahit natutulog naman ako, nagsabi na ako sa OB ko, sa wednesday pa check up ko dahil lockdown kami ang hirap makahanap ng masasakyan. Gusto ko lang malaman mga mommies kung may nakaexperienced din ganito sa inyo? Ano ba yung ginawa niyo? Masakit talaga sa tiyan e. Sana po mapansin niyo πŸ˜”

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same momsh.. pero sakin 4days lang man pinakamatagal. Nanghina din ako pero di naman to the point na nagdilim paningin ko. Di lang ako makatayo agad kc parang nanlambot tuhod ko. habang nagpoop ako kinakausap ko si baby na kapit lang. after nun parang mas naging malikot si baby siguro dahil lumaki ang space na paggagalawan nya. hahaha. pero now na oatmeal and yakult breakfast ko everyday, regular na pagpoop ko.

Magbasa pa
4y ago

salamat po. try ko din po yung ganung b.fast hehe

Nong constipated ako kinontak ko po agad yung OB. May binigay na pampapupu yung OB ko momsh para hindi na maulit ung sobrang nahirapan akong mag pupu. Pag constipated na ko ng 2days iniinom ko sya, effective naman ung gamot kasi hindi mahirap mag pupu na.. Pakiramdam ko kasi non sobrang nastress si baby sa tyan ko kasi sobrang nahirapan ako mag pupu.

Magbasa pa
4y ago

hindi po kasi agad nagrereply si OB, sana sa follow up check up ko maresetahan din ako ng pampapoop. salamat po. hehe