Bed rest 1 month

Hello mga mommies, ask ko lang if may nakapag bedrest na po dito ng 1 month? In-advise-an kasi ako ng OB ko ng bedrest due sa spotting ko. Ano po mga ginawa nyo para malagpasan yon? Pang 2days ko palang po kasi pero parang mas lalo ako nanghihinga pag makahiga pero kakayanin para kay baby. Pang 2nd pregnancy ko na po kasi to yung 1st is anembryonic kaya po medyo nakakatrauma.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nka-bed rest dn po ako, pero all around po ang gawain ko sa bahay pero dahan2x lng,pg ramdam kong pagod n ko or dna kaya or sumakit ang tummy tigil agad,higa agad.. meron pa po akong 4y.o na alaga,dala ang puyó,npakakulit at likot. mg-isa lng po ako,hndi nmn po sa hndi ako nag iingat,nttakot dn aq pra sa dinadala ko dhil ilang beses n ko nag spotting. nag-resign n dn aq sa work, more than a month n kc ang tyan ko nung nalaman kong buntis ako,and nag ddrive po ako ng motor papasok at pauwi for an hour or more vice versa,akala ko kaya ko,kso dnugo ulit ako. to think n pg dting ko pa sa office mag-hahagdan ako gang 6F dhl wla p pong elevator, been doing dat til nag 7wks ang tyan ko. Ung utak ko snasabing kaya ko pa pero suko n tlga katawan ko dats y I end up submitting my resignation dhl n rn sa sama ng pakiramdam ko while driving. Pero dlwa lng kmi ng 4yo kong anak sa bahay,snung kikilos kung d ako? mg iingat lng po sa galaw ,hindi sa mtigas ang ulo ko at d aq nkkinig ky OB .. sadyang wla lng tlga kong maaasahan,knakaya naman po,Im praying hard n wlang maging bad effect to ky Baby. And I hope Its a girl

Magbasa pa

ako po nagpa check up po kahapon lang, kasi 3 times ako nagkaron ng light brown discharge, pero nang na transv ako, ok naman si baby ko, 128 bpm nya, and 6 weeks and 5 days palang na dapat ay 7 weeks and 5 days na, sow na late xa ng 1 week pag develope, nagpapareseta pa nan ako ng pampakapit kay OB ko, kaso di nya ako binigyan, kasi wala naman daw pag bleeding, at close servix naman daw ako, kaya diko pa daw need uminom ng pampakapit, pero may time na diko talaga maiwasan mag alala, kasi may light browm discharge parin ako, pero minsan lang naman

Magbasa pa

Had a miscarriage din po last November and currently po going 9 weeks pregnant. Inadvise po ako to be on bed rest until end of my first trimester. Wag po kayo papastress. Try niyo po magkeep ng positive thoughts. Netflix po ang libangan ko now. Dont forget din po na lots of prayers po. Sinabi din namin agad sa mga closest family and friends na buntis na ako ulit para may strong support system din ako at ang hubby ko. So far so good and looking forward lang po kami sa next check up namin. We can do this mommy!

Magbasa pa
1mo ago

Yes po. Kailangan po talaga magpahinga. Lagi rin po akong inaantok and nakakatulog. Literal na kain tulog lang muna po tayo 😅

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5232321)

Ako sis advice ng OB ko bedrest Ako within 2 weeks Kasi nag spotting Ako kahapon, pero ok naman si baby At malakas HB nya, baka stress lang daw Ako sa work o may UTI Ako kaya nag spotting Ako kahapon

4w ago

ano po kulay ng spotting mopo?

Bedrest ka lang muna mhie. medyo iangat mo unan mo para makahinga, bka 6-7 weeks magpapakita na si baby.

Mie ako din nakita ko lang kanina ung panty ko mag dugo ano ung binigay sayo nun nag bleeding ka

mie after muba magpcheck up nagspotting kpdn b Hanggang ngaun?may nireseta bsau n gmot?

4w ago

Yes po nagsspotting pa din ako kahit after ko na magpacheck up pero on and off nalanf sya and parang mantsa nalang sa underwear

pero sa case mo po,better sundin mo nlng c OB since may history kna po

ilan weeks kn?

1mo ago

relax ka lang mam, mejo early pa po.