pabalik balik na sinat

Mga mommies ask ko lang, 37.0-37.4 diba may sinat na non si baby? Pabalik balik po sinat ng baby po, pero masigla po sya. Wala po sya ibang nararamdaman bukod sa sinat nya. Mawawala tapos babalik po ulit. 7mos palang baby ko, iniisip ko baka tutubuan sya ng ngipin, until now wala pa rin kase sya ngipin. Sana yun lang dahilan kung bakit ayaw mawala ng sinat nya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Paliguan sis kase mainit din ang panahon kaya parang mainit ang temperature ng mga baby. Usually ang lagnat talaga si 38.

Super Mum

Baka sa init lang din mommy. Try nyo po papreskuhan, liguan or punasan si baby at suotan ng preskong damit.