May dugong pusod at mabaho

Mga mommies ano po pwedeng gawin sa nagdurugong pusod at mabaho 😞 natatakot po ako baka mainfection po si baby ☹️#1stimemom #firstbaby #advicepls

May dugong pusod at mabaho
28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa baby ko nmn 3 beses na ata sya ngdugo.. natanggal yong pusod nya nung 6days pa sya. ngdugo sya nung nkaraang araw kasi nasasagi sa diaper nya at binigkisan ko din pero nung nkita ko ngdugo tinanggal ko na bigkis nililinisan ko nlng sya ngayon ng betadine pero hnd nmn mabaho sa awa ng dios pero pupunta kmi center bukas pra mkasigurado ako na okay lng talaga pusod nya.

Magbasa pa

ganyan din nangyari sa baby ko 7 days natanggal na ung pusod pero ung inalisan may amoy din 3 times a day lang alcohol medyo ok na sya now pero may amoy pa din.Ung mga nauna dalawang anak ko ganun din sila sabi mg pedia nila noon ung mga naiwan daw un na dugo ang nangangamoy kaya kailangan linisan ng alcohol with cotton buds ung mga gilid gilid ng pusod.

Magbasa pa

linisin mo ng alcohol ng bulak. wag kuskusin ha. dampi lang. wag niyo bigkisan. mas maganda mahanginan para matuyo. ako di ko tinakpan. para madali matuyo. tas linis ng alcohol. dampi dampi lang. yan sabi ng pedia. wag bigkisan para matuyo.

VIP Member

Pacheck up muna po agad..kasi deligates po yan once na mainfection..for now lagyan nyo po ng gasa na may alcohol ska nyo po itakbo sa hospital or clinic..kailangan malinis din po ang kamay nyo bago po nyo hawakan

natanggal na ang pusod kaya mahapdi na yan pag inalcohol-an. Parang tumigas na dugo po yung nasa ibabaw, linisan niyo po ng betadyn using cotton buds

ganyan dn po baby ko nung 1 week pa pusod nya pumunta agad kmi sa hospital tapos may nireseta yung pedia 3 days lang naging ok na pusod ng anak ko

mommy yung pagdurugo po normal pag paalis na yung pusod pero yung mabaho po di po yata normal yun. pacheck na po kayo kay pedia ni baby

Mas maganda po wag nyo na lagyan bigkis linisan nu po ng alcohol 70% ska patuyuin nyo po. Ganyan po ginawa ko sa baby ko

Pa check up nyo na po,,ngkaganyan dati pangalawa ko..para mabgyan cxa ng gamot..mahirap na paglumala ang infection

wag nyo pong lagyan ng bigkis mommy 6 days palang ni baby tanggal na umbilical cord nya alcohol lang po panlinis.