68 Replies

TapFluencer

Rashes po yan, wala po problema sa diaper ni baby if yung brand nung diaper ung ginagamit nyo talaga since then. Dulot po cguro yan ng init ng panahon gaya ng baby ko, sabi ng pedia nmin, wag daw muna pasuotin ng diaper para presko lang ang feeling ni baby.. yan ung ginawa ko saka pahid² na din ng Human Nature rescue balm kasi nakaka dry sya kaya hndi mahapdi ang rashes since hndi basa, di ko ginamit ung niresita ng pedia, mas nag stick ako dun sa rescue balm kc b4 pa kami nakapagpa check-up, un na ginagamit ko kaya proven and tested ko na...

VIP Member

Wash tapos pat dry mommy. Break din from diapers from time to time para makahinga skin ni baby. Tapos sa cream, we use Drapolene. Kapag may sugat lang yung Calmoseptine at up to 10 days lang daw pwede according to pedia kasi may alcohol content ang Calmoseptine at mas matapang. Importante na tuyo yung skin ni baby before application ng cream. Kung hindi, lalong lalala rashes nya. Hope your baby recovers soon.

VIP Member

aw kawawa nman c baby .. ansakit nyan. ung diaper po ba ni lo mommy masikip or maluwag nman po ? sa experience ko kc sa Lo ko ngkakagnyan sya kapag nabababad sa ihi ung balat nya. kaya gnawa ko ung size ng diaper na cnusuot ko sa kanya is mejo malaki and maluwag para d masyadong hapit na hapit ung diaper at naiiwasan yung pagkaskas ng diaper sa balat.

Try to change her diaper, kasi ganyan din case namin eq dry din si bby simula noong new born sya pero nagkarashes na noong 3 mons sya so nagswitch kami sa huggies dry and nakatulong paunti unti nawala yung pamumula at rashes, syempre tamang linis din kapag nagpapalit lalo kapag may poop. Ngayon wala na rashes nya.

Rashes po. Calmoseptine po bili ka mura lang un 40 isa. tska wag din po i asa sa diaper mag hapon wag din antayin na mapuno pag alam niong d na sya comfortable better palitan na. Specially Good hygine for baby Use maligamgam n tubig at cotton instead of baby wipes lalo na pag ganyan my rashes.

Hi momsh, madalas mag ganyan baby kong boy, sa rashes po yan. Wag nyo po hintayin mapuno lagi ng ihi, better po kung kaya palitan every 4-5hrs a day kahit di pa po puno. Try to use clobetasol cream, apply thinly po sa mga affected area. Pag nawala na po ng 1-2days tama na din po pahid.

mas okay po na ipa check up mo na,kasi po ang daming gamot ang nasasuggest sayo dto sa mga comment,sa dami ng gamot malilito ka kung alin dun,in the end baka itry mo lahat mas kawawa si baby kung di nya kasundo..atleast kung sa pedia ka magpnta iisa lang yung gamot na alam mong ipapahid...

Nung nagkaganyan baby ko sa disposable diaper, I immediately switched to cloth diaper. Never na nagkaroon ng rashes ang aking baby til now. Pero kung hindi kaya ang budget at laundry time, wash your baby's bumbum with water all the time then put petroleum jelly.

Baka sobrang higpit lang po ng diaper. Or masyado soak sa ihi dapat huwag na antayin mapuno. Then wash with soap and water, wag lang wipes and cotton with water, para hindi maiwan ung film ng lactic acid kasi un dyan na magsstart ang rashes.

iwas po paggamit ng wipes mas maganda po water nalang and cotton, palitan po agad diaper, check nyo din po brand ng diaper bka di hiyang c baby, ska much better po malagyan ng cream pra sa rushes mainit po kc panahon

Trending na Tanong

Related Articles