induce labor

Mga mommies ano po ibig sabihin pag induce labor .at paano at kailan ito pwde gawin ? . Curious lang ako mga mommy .FTM po. 38 weeks po

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes mii.. 37 weeks no pain pero may onting tubig sakin lumbas nung morning , 2 cm na pala ko then pag ie sakin may dugo na gang gabi dinala na ko sa ospital ng 7pm , 5cm na pala ako pero ala pa din pain , kaya inenduce labor na ko . grabe ang sakit 😭😭😭 . naoperahan pa ko after mag normal delivery due to vulvar hematoma dahil sa maling pag ire 😭 9:57 pm nanganak na ko ☺️

Magbasa pa

Ibig sabihin po ay papahilabin ang inyong tyan. May ihahalo po sa IV nyo para mag contract since wala pa kayo pain na na experience or kung meron man ay di pa ganon kadalas. Ginagawa po nila iyon para di ma prolong ang pag le labor.

Induced labor po means, may ituturok silang gamot sa inyo para humilab ang tyan nyo. Usually ginagawa po yan sa mga malapit nang maoverdue or sa mga hindi nakakaramdam ng pain kahit 5cm+ nang open ang cervix nila.