Namamagang rashes sa private area at legs
Hello mga mommies. Ano kayang pwedeng gamot sa rashes ng baby ko. Namamaga yung sa may bandang ari at legs nya at yung sa pwet naman ay nagpi-peel. Hindi na muna namin sya pinagda-diaper baka yun kasi yung dahilan o yung wipes. Pasuggest naman kung anong magandang gamot para mawala na, naiiyak kasi sya tuwing lilinisan namin sya kapag nakaihi sya or nakatae.