Tigyawat problem during pregnancy 😭😭
Hi mga Mommies 👋 ano kaya magandang toner or facial wash sa mukha. Grabe yung tigyawat ko lalo sa chin area. I have combination skin (oily and dry). Nag try ako nivea facial wash. Pasensya na po sa pictures. Lalo dumami. Needed help po 🙂 #PimpleBreakout #beautypregnancy #1stimemom #pregnancy #advicepls #theasianparentph
hormonal inbalance yan te normal lang yan. kase buntis ka. less is more at use super mild cleanser. un lang wag kana maglagay ng kung ano ano. para di naden matrigger ung pimple mo. make sure lang maghilamos ka every morning and evening tapos pag oily ka ng tanghali ok den un. pag dry super use mild moisturizer, mas aloe vera gel kanalang ok pa. un lang, for facial wash nmn, aloe facial wash ung sa watson or gusto mo ung sa nature republic. super ganda both. sleep kalang before 10pm drink 3 liters of water everyday. palit punda every 3 days. magtali always ng buhok. wag hawakan ng hawakan ang face pag madumi kamay or pag oily ka. maiirita kase yan. healthy diet lang den. eat more veges and fruits. and ur prenatal vit. mawawala din yan. ps. Less is more. keep safe.
Magbasa paSame mommy. Di ako sanay na may tigyawat promise. Korean skincare pa kaso nung nabuntis nako, nasilabasan. Iniyakan ko pa yan kase pati likod, braso, at tyan ko na makinis talaga, wala. Di pinalagpas. 😅 Nung tumagal, tinanggap ko nalang siya at ayun, nawawala na unti unti ang sa mukha at tyan😅
ngaung pregnancy days lang din tlga ako tinigyawat ng bongga lalo sa my panga..safe guard and hot water (ung natotolerate ng skin mo at s pimple banda lang ihilamos ung tubig)..kakatakot kasi gumamit ng kung ano ano ngayong kasi ung mga chemicals dumadaan sa bloodstream na pde pumunta kay baby..
Same here’ dami sa mukha’ at likod.. nagsilabas nung 2nd trimester’ d ko din alam kung ano best product na gamitin na safe sa atin. As of now dove soap and micellar toner lng gamit ko. nothings change. Help us guys.
mawawala dn yan mashie.. 1st trimister ko ganyan dn ako.. sbi s article it's a sign n having a girl.. kaya keri lng , tpos nung ngpaultrasound ako ng 22 weeks it's a girl nga.. im now 36weeks and 4days..
Ganyan ako ngayon Mommy Yung Mukha ko Daming tigyawat pati likod subrang dami 😊 Sabi naman ng Nanay ko maaalis din daw babalik din daw ng pakunti kunti Sa dati yung kutis ko pag nanganak na ako.
same here, hindi naman ako tigyawatin kaya nagtataka ako kung bakit dumadami pimples ko.. un pla dala na rin ng pagbubuntis. Nagtry ako mag cetaphil medyo nawawala ng paunti unti. Sana mawala na to..
Ako sis first trimester sobrang dami, no space for more na, pinabayaan ko lang, natatakot akong gumamit ng kahit ano.. more water kalang.. ngayon wala na akong pimples malapit na manganak
Bawal po any kind of toner or facial wash dahil lalong lalala lang po sya. Hilamos lang po then soap na di nakaka-irritate ng mga pimples para magdry lang sya at di dumami.
sakin human nature facial wash at moisturizer ginagamit ko. kaya wala akong pimples sa face. sa likod at tagiliran naman napunta 🤦♀️
To God be the glory