Pag upo ng 9-month old baby

Hi mga mommies, alam ko po na ibaiba ang pace ng bata sa pagreach ng milestone. Pero nagwoworry na ko, di pa din marunong umupo si baby mag -isa. Kung ipoposisyon sa pagkakaupo, ksya na nya tumayo basta may hinahawakan at nakakahakbang kung palalakarin. Yung nga lang, 9 months na sya di pa din marunong umupo mula sa pagkakahiga o dapa. Pag gusto nya umupo, umiiyak sya, kahit hayaan namin di nya nagagawa. 38wks pong ipinanganak si baby. Meeon di po ba dito same case ng baby boy ko?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same sa baby ko nung 7 months siya. Mas nauna niyang natutunan kung pano tumayo at maglakad basta may nakakapitan kesa matutong umupo ng kusa. May mga videos po online kung pano matutulungan si baby na umupo galing sa pagkakahiga/dapa, sinunod lang namin yung mga videos and more tummy time din. Parang 2 weeks lang naman siyang ganun natuto din siyang umupo on her own.

Magbasa pa

baby ko mih hindi pa din marunong umupo mag isa. ang upo nya tinutukod nya 2 kamay nya sahid hindi yung straight talaga likod nya pag nakaupo. but she can crawl and pulling her self to stand. saktong 40weeks ko naman pinanganak baby ko