Beke sa leeg
Hi mga mommies, after one month dinala ko anak ko sa mga parents ko miss na raw kasi nila. Tapos napansin nila may beke raw. Bali, napa-check up na namin sa pedia niya 'yon, kinakapa ng pedia niya pero wala naman makita 'yung pedia niya na kulani or what. Pinapagalitan ako pinabayaan daw namin, pero regular check up naman kasi ako and at the same time sabi ng pedia wala naman daw 'yon. Tingin nyo po ba ay beke nga ito?