About Talong ?

Hello mga mommies. 7 weeks preggy pero di pa sure sa bilang kasi di pa po nakakapag pacheck up sa ob. Naniniwala po ba kayo na bawal daw kumain ng talong ang buntis kasi violet nagkakabalat ang baby or pag iiyak daw nagiging violet. Ang dami lang po nagsabi sakin nung malaman nila na preggy ako kaya lang ako naman po hindi naniniwala kasi nung nakaraan at kahapon lang ulam namin talong ? tapos yung kapatid ko kasi bunso pinaglihi din sya sa talong wala naman po balat or what mas maputi pa nga po nung baby :)

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nung first baby ko momsh madalas naman ako kumain ng talong pero di naman po nangyari sa baby ko na maging violet pag umiiyak, btw she's turning 6yrs old this yr.