pusod ni baby

mga mommies 4days old palang si baby ganito na ung pusod nya nag woworry po kasi kami ok lang po ba ito 1st time parents

pusod ni baby
112 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pacheck up nyu po sa pedia.. pero mas mainam na tubig lang po ang panlinis at pagkatapos punasan lng ng clean cloth.. para iwas ang infection po.. pinagbawalan din kc kmi nun gumamit ng alcohol po para makaiwas na infection. 😊

samin hindi kami pinauwi na di natatanggal clip ng pusod. patakan mo ng alcohol every diaper change or kahit ilang beses pa sa isang araw. padaluyin mo talaga sa pusod mismo tapos punasan mo din palibot ng cotton with alcohol.

mamsh bka po nasasagi kaya dumugo..linisin u po ng alcohol pero ndi po direct..lagay u po sa bulak ung alcohol tpos un po idampi nyo..ethyl alcohol po ginamit ko sa pusod ni baby ndi po isopropyl.mabilis nman pong natanggal.

nluko na. every 3 to 4hours po kse nililinisan yan ung 70% na alcohol po,mas malala yang sa baby mo ah kesa baby ng friend ko npagalitan dahil tnanung kung nlilinisan ou daw,eh bt nagka gnun kadumi ung dr ang naglinis tuloy

VIP Member

Magsearch ka sa youtube kung papano linisan ang pusod mamsh nung ftm mom ako wala din akong alam at walang mapagtanungan kaya i did my own reasearch saka lage ako nagtatanong sa pedia. Hope this helps

iwasan mo po mabasa momsh.lalo na pag pinaliguan mo c baby ,kailangan po lagi tuyo yung pusod nya kaya gagamit ka po ng alcohol para panglinis ,tutuyo din po yang blood.

Sis dapat parati dry ang pusod ni baby, linisin mo gamit nang 70 % alcohol, simula ka sa loob sa pusod nya palabas..wag kang matakot, hindi yan sila nasasaktan,.

Yes po. Ganyan talaga yan. Everyday mo pong linisan yan gamit nang cotton buds or bulak. Basta ang importante hindi mamula mula ung paligid tsaka walang amoy.

parang nagka infected na yan momsh,ipa check up mo na.. yung sa baby ko nga may mabahong amoy na, pina check ko na..tas sabi ni doc,nagka infected na sya..

5y ago

amoyin mo momsh,pag may ibang amoy na,ipa check up mo na bago pa lumala.. yung sa baby ko,hndi naman sya ganun,tas pagkalabas ko galing lying-in clinic,tinanggal nila yung clip ng pusod nya..

Lagi mo lang po linisin ng alcohol mommy everytime na magpapalit ka ng diaper linisin mo narin po pusod nya para mabilis gumaling at matuyo

Related Articles