naninilaw si baby, ano dapat gawin?

mga mommies 2weeks old na po baby ko and still madilaw parin yung balat nya, minsan ko lang sya mapaarawan kasi laging maulan ngayon. sobrang worried po ako kasi premature sya at prone daw po sya sa infection etc. ano po ba dapat kung gawin? #Firstimemama #help

naninilaw si baby, ano dapat gawin?
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case tayo mommy, premie din si baby ko, 35 weeks and 6 days ko po sya pinanganak pero by pediatric age 36 weeks na po, August pinanganak kaya tag ulan talaga, almost mag 1 month bago maalis yun jaundice nya, basta continuous sunlight exposure nalang po atsaka sabi ng Pedia breastfeed or breastmilk po talaga malaking tulong sa pagbawas ng paninilaw kasi ipupoop nya po iyon. Ngayon two months na po baby ko, okay na po kulay nya.

Magbasa pa
2y ago

ok po mii thanks

expose mo Lang mi sa maliwanag pag Wala sunlight ganyan din baby ko na photo therapy sya 24hours pero pag uwi Namin nag bounce back pati eyes nya nanilaw pinapaarawan ko Sya till 8:30am kahit mainit na sa balat pag Wala aRaw expose ko Sya liwanag after 2weeks okay na skin nya KayA Lang nangitim balat nya Lalo na sa face mustela and Cetaphil gamit nya para bumalik dating skin color

Magbasa pa
VIP Member

Paarawan mo mi, if maulan sa morning any time of the day na may araw. Importante tumama yung sikat ng araw sa balat niya. Dapat nakahubad pagka pinaarawan. If matagal na yellow pa din siya dalhin mo na sa neonatal pedia..baka irecommend niya iphototherapy..usually sa nicu palang automatic na yan pgka may jaundice ang newborn.

Magbasa pa
2y ago

Mi, yan ang sabi ng neonatal pedia if maulan.. :)

Mi ako nun june nanganak sa first baby ko pero ang due ko talaga is august, 32 weeks ko lang sya pinanganak at maulan ulan pa nun ang june year 2019 kaya manilaw nilaw si baby binigyan kami nun ng vitamins para mabawasan kahit pano yung paninilaw nya kasi maulan nga rin nun. Hindi po ba kayo binigyan after madischarge ni lo?

Magbasa pa
2y ago

wala pong may ibinigay samin

Kung mapapailawan mo po sya kahit sa loob ng haws if ever naulan, yung kaht maliit na portable lamp po, Sa pagpapaligo naman, hinahaluan namin ng pinagpakuluan ng pansit pansitan, nakikita lang po yan na damo sa paligid, just make sure malinis po yung area na kinuhanan.

VIP Member

hi mamy jaundice baby din si lo, hindi pa kasi ata mature yung liver nila something like that. mag 3 weeks na si lo nung nawala yung yellowish skin nya. tyAga lng talaga sa pagpaaraw mamy, 7:30 - 8:30 ang bilad namin. sa awa ng dyos okay na ang kulay nya

pacheck nyo po sya agad sa pedia. ganyan po kasi pamangkin ko, premature baby din. pinadala sya agad sa hospital dahil sa paninilaw.

Kung di mo mapaarawan sa Umaga mi .. sa hapon mo gawin me ganun kc ginagawa ko sa baby ko kc lagi maulan sa Umaga

pag hindi parin sya nakuha sa araw at breastfeeding.. dalhin niyo n po sa hospital. jaundice po ang tawag jan.

ipacheck nio po sa pedia nio mi. minsan ang nirerecommend nila is iphototheraphy lalo na kung di mapaarawan.