Nauntog ang ulo ng baby sa semento

Mga Mommy! I really need advice po. Natumba po kasi yung baby ko. Humawak siya sa door ng refrigerator at biglang na open kaya natumba siya :( Tumama yung likod ng ulo niya. Inobserbahan ko siya ng 24 hours irritable siya matulog ng hating gabi na umiiyak kahit naka Dede . then after 4 days habang natutulog siya biglang umubo at ayun sinuka niya Yung kinain niya habang tulog peru Isang beses lang siya sumuka after 4 days Nung incident btw 10months na Yung baby ko po 😭 ano po dapat Gawin???? #needadvicepleaseeee

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pa check up na mhie sa pedia. Baby ko noon 11 months inakyat nya yung playpen nya para maka labas sya kaso nahulog sya tumama din likod ng ulo super kaba ko kase dami ko na papano mga head injury nun sa bata. Kaya nag ask na ko sa pedia. Ayun pina observe muna 24hrs to 1 week kung may napapansin ako kay baby na d normal na act nya. Buti wala naman bibo padin kaya no need to worry na daw ako.

Magbasa pa

hello as a 1st time mom nung unang nauntog ulo ng baby ko dhil nalaglag sa kama kinabukasan lang agad kami sumugod sa pedia nya ang sabi observe for 48 hrs kung susuka, may bleeding sa mga parts ng katawan na may butas like ilong, tenga at kung nilalgnat at irritable so base sa kwento mo naging iritable si baby mo at sinuka pa ang dinedede i think its time to have him check sa pedia.

Magbasa pa

Nadala ko na sa pedia and Sabi ng doctor okay lang naman daw siya may ubo din Kasi Yung baby ko that time Pina obserbahan parin niya at if ever dw may kakaiba parin balik dw kmi but thanks God okay namn baby ko wala naman na kakaiba sa kanya

Possible din naman na sumuka sya dahil sa pag iyak niya lang. Pero kasi if irritable sya and unusual sa kanya yun, dapat ipa check talaga po. Baka need i ct scan to check if may injury. Praying for your baby.

Magbasa pa

better check with pedia mii. nung nahulog si lo namin, pina observe ng pedia if nawalan ba ng malay, nagsusuka, matamlay at kung palaging natutulog.

Bring your baby na po agad sa Pedia para alam yung tamang proseso mommy and macheck siya, para di karin po nagooverthink. Sana okay si baby now. ❤

better po mommy na ipacheck mona po si baby sa doctor .mahirap nadin po kasi lalo na di nya masasabi kung ano ung masakit

TapFluencer

mas mabuti ipa checkup nyo na. kahit normal pa yung resulta atleast nalaman nyo na okay si baby

Kung totoong nag aalala ka sa anak mo ba’t di mo isugod sa Pedia?

visit pedia na para ma-monitor ng mas maayos. baka may ma-overlooked na signs sa baby.