Ano po ma fefeel nyo pag sinabihan kayo neto?

Hello mga mi!!Tanong ko lang ano mararamdaman niyo pag sinabihan kayo neto... • Hindi ko kaya lahat ng bayarin!! • p*ta pati magulang damay na sa problema nato!! • aso ko nga di ko nabibilhan ng vitamins at dog food!!! Mas nauuna kopa mga pusa dito!! • diko pa mabilhan ng pyesa motor ko!! • (malulutong na mura in bisaya) • kumain ka mag-isa, di ako gutom! Scenario kasi: sinangla ni HUBBY yung ATM nya at ngayon pambayad nalang ng bahay natira... Nag suggest akong umuwi nalang sa amin para maka mura na at may maiipon pa bago lumabas si LO next month... Ayaw niya din kasi huli na daw lahat bat pa ako uuwi? Dati daw pinapa uwi niya ako di daw ako umuwi (which is ako po yung talagang nakatira dito at nakikitulog lang po siya before ako nabuntis)... Ngayon po sobrang iyak ko ng tahimik kasi alam kong di pa siya ready at madaminpa siyang gustong gawin... #sharing #advice

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman talaga maganda sa pakiramdam ang masabihan ng mga ganyang salita. Pero ano bang rason bakit sya ganyan? Una, hindi nya gusto na buntis ka. Pangalawa, hirap kayo sa pera. Pangatlo, masama ang ugali mo sakanya. Nasa tatlo na yan ang rason bakit sya ganyan sayo. Kasi kung pinagplanuhan nyo ang pagbubuntis nyo na yan. Itatrato ka dapat nya ng maayos kasi pareho nyo gusto magka baby. Pangalawa, wala talaga kayong pera para suportahan ang baby. At higit salahat kung ikaw ang madalas na nagpapastress sakanya, malamang ganyan talaga magiging response nya. Advice ko sayo te. Isipin mo ano ang mahalaga sainyong dalawa. Kung gusto nyo pareho magkababy, then magstay ka jan, tulungan mo sya pano gagawan ng paraan ang mga problema nyo. Pero kung hindi nyo naman plano magkababy tapos bigla ka nabuntis, e makiramdam kana, sign na yan na ayaw nya ng responsibilidad. Umuwi kana sa bahay nyo.

Magbasa pa

ginawa nyo po yan pareho. don't feel bad on yourself. Responsibility mo ang pagdadala sa baby pero responsibility ni guy ang buhayin ka at hindi sumbatan. Be firm and sabihin mo ang gusto mo mangyari. if he won't agree then go home. Hindi padin kami kasal ng partner ko when i got pregnant pero never ako nakarinig ng ganyan. immediately he took all the responsibilities and now waiting nalang kami ng wedding. Our relationship even became better than before. What i'm saying is, hindi yan normal attitude of a guy that is responsible. Your partner is not being a Man as of the moment. You deserve all understanding dahil pregnant ka. Be smart and know your limits.

Magbasa pa

mii, ask ko lang: may work po kau? or other extra income? Naka-feel ng pressure ang husband mo kaya nakapagbitaw sya ng ganung salita na di sinasadya syempre dahil sa lumalaking gastusin ninyo. Dapat maintindihan mo rin, kaya wag mong dibdibin dahil for sure nag-iipon o may naipon sya para sainyo mag-ina. Pag-usapan nyo ng mabuti at wag padadala sa mga damdaming palaging iniisip natin na valid, at nakakalimutan na ung other side, ung hubby mo. So pag-usapan nyo kung ano ang makakabuti para sainyong dalawa at sa bata. Wag pa over power sa mga emotions. Part yan sa hamon sa buhay mag-asawa.

Magbasa pa

Kung hindi pa sya ready sana hindi ka muna nya binuntis. Nag enjoy sya gawin yan bata tapos ngaun pinagbubuntunan ka nya. Clearly hindi ikaw at baby nyo ang priority nya. Kulang nlang sabihin nya sayo ng harapan na nagsisisi sya na magiging tatay na sya. Pero mali talaga sya in all aspects kasi kahit hindi pa sya ready diba ang normal nman nagging instinct natin pag malapit na tayo mging parents ay paghandaan un paglabas ni baby. Tlgang mukhang nireregret nya na nabuntis ka nya. Feeling nya kasi dagdag responsibilidad at gastusin kayo. Pero alam mo mii living red flag yang kinakasama mo.

Magbasa pa

financially unstable si mister mo.. kaya ganyan ugali niya. umuwi ka senyo para di ka mastress .. at sana makapag abot din siya sayo para sa panganganak mo.. then saka ka magdecide kung babalikan mo pa siya o di na after mo manganak. ang hirap pag ang lalaki ang hindi well provider. ayaw ko naman sisihin ka mommy kasi alam ko malungkot ka ngayon.. pero ang totoo dapat tayong babae kahit na kaya natin kumita ng malaki hindi lang pagmamahal dapat hanapin natin yung taong kaya tayo buhayin kahit di mayaman basta madeskarte.

Magbasa pa

asawa mo nba yan mii,oh jowa plng? kung di plano ang pgbababy,sana nag ingat kyo..lalo ikaw n alm mo pla mismo n dipa hnda at mdmi png gstong gwin yang partner mo. anyway, kung kya mo at ok lng sa mgulang mo n sa knila k muna until mnganak ka,dun kna lng muna.. kesa gnyan ung prtner mo syo.obligahin mo sa lhat ng gastos pra sa bby nyo..at kung bf mo plng yan, wag mona pngarapin mging asawa. kung ngayon plng gnyan na trato syo.

Magbasa pa

Sakit nman nian mii:(Lalo na buntis pa:(Di nla alam pkrmdm ng sensitive na pkrmdm.di nla isipin na may isa din anghel na cnsktan:(Pgppray kita mii.Bsta stay strong alang ala.sa anak mo dhil pti xa affected habng nsa tyan mo..Iba ang pkrmdm ng isang buntis .Kya di nla alam yun lalo na ang mga asawa na takot sa responcbilidad

Magbasa pa

hello mommy! kapag ako sinabihan na ganyan, of course masasaktan po ako. valid po ang nararamdaman niyo po. Wala po akong ma-aadvice na eto yung dapat na gawin mo, etc. But just remember na ang importante right now ay ang welfare niyo po and ni baby. yun po ang priority niyo as of now. Do what is right for you and your baby

Magbasa pa

Masakit yan lalo na kung buntis ka. Narinig naba niya ung heart beat and nakita naba niya si baby sa ultrasound? Kasi kung hindi pa better iparinig baka magiba isip and ugali niya. Pero kung ganyan pa din siya nakakatakot siyang maging magulang. Pauwiin mo na lang siya sa magulang niya. Kawawa ka lang pag nanganak ka.

Magbasa pa

iwan mo ngyon palang stress kna e mas ma stress kpa jan alm ng buntis ka tpos mumurhin ka ng gnyan , kung ok sa knya mkipg hiwlay at tingin mo kakayanin mo naman kahit wala sya hiwlayan muna kase kung mahal ka nyan khit san kpa mg punta susundan ka nyan at di ka bsta iiwan .