4mons baby tummy time

Hi mga miii. Pinag start ko mag tummy time lo ko ng 3 mons hanggang sa 4mons na po ang lo ko ngayon at hate padin ang tummy time. Mga 1 min lang ata at iiyak na. Kahit may toy na sa harapan nya para magtagal ayaw padin. 😔 Yung ibang babies naman 4 months palang anlakas na ng buto. Nagwoworry po ako. Baka may kung ano na. Never din po pala pa ako nagpapa pedia. Suggest po kasi sa side ng lip ko wag daw muna pa pedia hanggat di pa nagkakasakit. May mga same case din po ba kami dito? Thank you sa sasagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Medyo late mo na pinag tummy time si baby, esp kung full term naman siya pinanganak. Normal lang po sa starting mag tummy time na ayaw nila. Okay lang kahit 1 min per tummy time, importante nagagawa niyo ng madalas sa isang araw hanggang sa in total makabuo kayo ng 30 mins to 1 hour in a day. Kung umiyak siya after 1 min, papahingahin mo muna mga another minute or 2 then tummy time ulit. Regarding naman sa pagpepedia, sa hospital ako nanganak, kapag sa hospital nanganak pupuntahan ng Pedia si mommt at baby sa room at aadvice-san na dalhin sakaniya si baby after 1 or 2 weeks for check-up. Ginawa namin yun, may sakit man or wala. Paano pala ang mga vaccines ni baby mo? Saan ka nagpapavaccine? Okay naman sa health center, imporatante may vaccine siya. Pero may mga vaccine na wala sa health center at available lang sa Pedia, kaya need mo talaga pumunta ng Pedia. Mahirap ito, pero ikaw ang nanay, kung may sarili ka namang pera at kakayahan, sundin mo intuition mo bilang ina, kahit hindi sang-ayon mga tao sa paligid mo.

Magbasa pa
TapFluencer

Baby ko rin po ayaw ng tummy time. Nakakadapa at nakakagulong naman na siya kaya lang minsan kapag nakadapa siya umiiyak pa rin. May mga ganiyan lang po siguro talaga na babies.