For Breast feeding mom

Mga mii ..sino po nakaexperience dito gaya ng akin.. Breastfeeding po ako, gusto ko po pure bf po ako.. It was my first time na mag breast feeding ..kaso.. failed po yata ako. may kuntis inis .. At sisi sa sarili ko .. Feeling ko failed akong INA .. Lalo na pinuproblema ko kung panu mag boost yung milk na pinuproduce ko Mga mii, sinusunod ko nman Mga bilin ng ate ko, laging umiinum ng water palagi, dapat masabaw ang Mga ulam, mag mimilo din po ako .. Palagi .. Nagtry na din pi ako maligamgam na tubig na ikalog sa breast ko... Nag try na din po ako gumamit ng Mother Nature para mag boost yung milk ko. Kaso feeling ko .. Parang wala pa din pong pagbabago ..stress na stress na po ako ..lalo na minsan ..umiiyak baby ko kuLang po niya milk ko.. Subrang takaw po siya.. Ayuko nman po mag mix lalo na ..gusto ko pure bf po sana ako at mahal magpa formula .. Dahil naranasan ko na sa first baby ko, formula po siya. Kaso naiinis tlga ako sa sarili ko ndi ko maibigay yung saganang gatas sa pngalawa Kong anak .. Nakakaiingit .. Sa Mga nanay na bless sa breast milk nila .. 🥺🥺🥺 any advice po .. stress na stress na ko sa sarili ko .. Naawa ako sa baby ko na laging umiiyak dahil kulang pa yung nadedede niya sa akin .. Dahil ang tagal bago ulit makargahan yung breast ko pag katapos niya madede .. Yun ang lagi niyang iniiyakan ..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ginawa mo na lahat, huwag ka na ma-stress. I was you two months ago. I did everything simula nung nanganak ako up until now. Pero tinanggap ko na isa ako sa mga nanay na mahina/walang ma-produce na milk. Mixed ang baby ko, I think. Nag-latch siya sa akin pero ginagawa na lang niyang pampakalma kasi wala naman talaga siyang nakukuha. 😅😅 Kasi after niya mag try mag-suck tapos mauuwi sa flutter sucking, bibitaw tapos iiyak uli para sa formula. 😅😅 Sabi nga ng isang mom sa comment niya sa post ko dito, mas mabuting busog si baby kaysa gutom.

Magbasa pa

malaking factor yung relaxed at no stress plus yung negative thinking sa breastfeeding. in your story, puro negative ang naiisip mo,. also, do power pumping 2-3hrs, unli latching. wag mong susukuan. once nagdoubt ka, umuurong po ang hormones na nagrerelease ng breastmilk hanggang sa humina na yan. its all in your mind. kahit anong inom mo ng pampadami kung katawan mo kinokontrol ng negative mind, wala rin. that's according to lactation consultant.. try mo manood ng mga lactation videos.. maririnig mo po run yung "positive thinking" dapat.

Magbasa pa
2y ago

thank you mii... kaya siguro ..mii .. napaka stressful ko pa man ding tao..

Ganyan din ako nung una, mi. Ginawa ko lahat, laging may sabaw at malunggay ang ulam, naka Natalac ako, inom ng M2 at Milo, todo inom ng water. Pero wala talaga, mahina supply ko, napagalitan na nga ako ng pedia kasi di na nag gain weight si baby ko. Feeling ko nag fail ako as a mother, lalo na at plan ko sana gang 6 months breastfeeding ako. Pero wala, mas mabuti pang busog si baby, kesa ipilit ang pure BF, tinanggap ko na lang. Mixed feeding kami ngayon and mas happy na si LO kasi nasasatisfy na sya 💕

Magbasa pa

ako kahit wala na halos pang diaper c baby at di pa kami nattanggap sa trabaho ni minsan di ako nagpa dala sa negative thoughts. kaya khit di pako umiinum at kumakain ng pampa boost ng gatas eh sagana parin ako sa breastmilk. minsan nga pag dumedede c bby tumatagas pa minsan mai pa fountain pa eh. kaya always think positive. wala kang mapapala sa pagging stress.

Magbasa pa

true...mii.. laging iyak ng iyak si baby.. lagi pang kinakabag kakaiyak🥺 🥺yung gusto ko din exclusively bf pero ndi ako bless .. feeling ko subrang failed Kong INA..walang kwenta .. naaasar ako sa sarili ko ..nakakainggit yung ibang INA... 🥺ginawa ko nman ang Lahat...wala pa din .. 😔😭 payo nila sa akin..mix ko na lang siya..

Magbasa pa
2y ago

Mummy buti kapa mix. ako po wala mang 1 linggo nag breastfeed sakin si baby. pure formula na. dahil po sa trabaho. tinry ko magpump. at uminom/kumain po ng mga pampa increase ng supply, kaso ala talaga. patak lang po nakukuha ko.😭 pero hopeful pa din ako pinagpapatuloy ko po power pumping.. sana isang araw may tumulo na gatas 😭 2 mos na po si lo..

Try mo po magpump mi kasi nung una ganyan din ako tapos consistent lang ako nagpump hanggang sa feel ko parang ambigat ng boobs ko yun pala punong puno na ng milk. Basta patuloy lang po sa paglatch si baby and then pump mo po masakit yan sa una magpump pero kayanin mo po kasi worth it naman pag dumami yang milk mo mommy 🙂

Magbasa pa

sis try to relax and chill kasi like what I always says here na kahit anong inumin or kainin mo na pampalakas ng milk supply if stress ka wlanb kwenra mga yun. Malaking factor ang stress sis kaya relax okay! also hd porket hnd mo mapa ebf anak mo failed ka na noh wag mo isipan yan okay! justbrelax okay

Magbasa pa

the more you stress, the more din nalelessen ang production ng milk mo. Yan ang reason bakit di parin dumadami supply mo.

palatch lang Ng latch para lumabas Yung gatas

Proper sleep lang and proper hydration