Pwede na ba manganak ng 36weeks?

Hi mga mii, pwede na ba manganak ng 36weeks? Nsa 33weeks 6days plang ako, pero pinag bedrest na ko ng ob ko since tigas na ng tigas ang tyan ko tsaka kpag naglalakad ako ramdam ko yung pain sa may daanan sa pwerta ko, sabi ni ob dapat daw pahinga atleast mapaabot until feb 27, pero kung kaya hanggang march 6 mas mganda.. then binilang if feb 27 ibig sabihin nsa around 36weeks plang ako nun.. pwede na po ba manganak nun? Nag woworry kasi ako, salamat po, CS nga po pla ako kaya schedule ko sana sa march 6 pa.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy possible po manganak earlier than 37 weeks kadalasan kung di talaga mapapaabot po ng 37 weeks may irereseta lang po na gamot iinject para mag mature ang lungs ni baby pero syempre best parin po na umabot ng full term o 37 weeks para mas ready for outside world ang organs ni baby ❤️ praying with and for you po para sa safe and healthy delivery 🙏

Magbasa pa

hi po.. mga momshie.. sakin panay din panigas ng tyan ko simula kahapon. edd ko march 3 ngayon araw ika 37 weeks ko na. . normal lng b yun na naninigas sya. si baby gumagalaw sya pero di gaano. namonitor ko nman abot naman ng 10 kicks in one hour. . sa monday pa balik ko sa OB ko. .

Ganyan din PO nararamdaman ko mi.niresetahan PO ako Ni ob Ng "TRIMIC SUPPOSITORIES"dati PO kase masakit puson ko at kapag lalakad parang may nahuhulog sa pwerta at pakiramdam na paga Kaya Ayan nireseta Niya may kamahalan pero worth it Naman PO 2x a day.,35 weeks and 2 days na po ako.

ako po sobra likot ni baby at na ie nako ni doc pero 36 weeks palang. sa feb 14 last ie ko and possible admission na for cs. sakto 37 weeks nko nun at binigyan nlang po pampakapit vaginally hanggang mareach lang saktong 37 weeks. march 5 ang edd ko. Goodluck sa atin.

37weeks ang safest talaga, preterm pa po ang 36weeks pero nakadepende rin yun sa timbang ng baby mo pag nailabas kinoconsider kasi yung weight at development ni baby mo if need ba i-nicu or hindi at for monitoring lang.. dasal ka lang Sis 🙏kaya yan

36 Week na po ako ngayon at ganyan dn po nararamdaman ko... Panay tigas ng tyan ko so bed rest and iwasan ang pag bubuhat ng mabibigat... and relax mo lanh po mi pag tumitigas ang tyan mo mi try nio po himasin ang tyan. Ganyan po kasi ginagawa ko...

2y ago

wag himasin ang tyan pag nag cocontract.. na fefeel ni baby yan at pde maging cause ng pagdumi saloob. Ask your ob..

same po tayo pero normal delivery po ako nyan , last ultra ko feb 27 duedate ko then sa center kung saan ako nag check up march 6 duedate pero same tayo ng nararamdam naninigas tapos kapag naglalakad parang may lalabas sa puwerta

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4503343)

VIP Member

Same tayo mii, ako 34 weeks palang pero panay sakit na nang balakang ko atsaka may cramps puson ko. nag aalala ako kasi 34 weeks palang kami di pa pwede. pag naglalakad masakit narin di na maayos pag lalakad ko. hays!

Sakin may parang nalabas sa pempem ko. pero sbi sa center mlpit na daw kase ako manganak