33 Replies
ako momsh share ko lang, si LO din maliit ko sya nilabas 2.5kg nung nag 1month sya pinacheck ko sa pedia kung bakit parang pumayat si baby tas hind rin sya nga poop at medyo maligalig din sya kaya pinacheck up namin tas yung timbang nya 2.6kl lang so 100g lang dumagdag sa kanya nung buong buwan kaya nags suggest ako sa pedia nya na baka pwede ko imix fed ko kasi baka wala nakukuha sakin gatas kaya maligalig din pumayag naman yung pedia basta wag lang daw itigil ang paglalatch sakin ni baby para di ako maubusan ng milk. tapos nung nag mix fed sya nagkalaman na din sya tsaka nung nag 2months sya 3.7kl na si baby tsaka di na rin sya iyakin tas kahapon pumunta kami ng center ang timbang nya na 4.7kl 2months and 22 days na si baby ko kahapon. Thank God! β€οΈ pero momsh hindi kiya hinihikayat na mag mix fed ka kasi kung ako magatas talaga hind ko sya imimix eh kaso sobrang ligalig na kasi ni baby kasi hind sya huhusto ng busog maya maya ang iyak tsaka di rin talaga sya normal yung poop nya umaabot ng 2weeks kaya ibig sabihin talaga wala sya masyado nakukuha na gatas sakin pero hanggang ngayon may gatas parin naman ako pinipilit kong palakasin kasi ayoko mawala ng gatas marami kasi benefits kay baby yung gatas natin e. kaya momsh suggest ko sayo kain ka ng mga magugulay yung mga pagkain na malakas sa protein at masabaw at inom ng milk para yung madede ni baby masustasya tas wag ka papagutom kumain ka ng kumain kasi kung ano yung kinakain mo nakukuha din ni baby mo. tsaka wag ka mag worry sa timbang nya basta hind nag kakasakin good sign healthy si baby.
Hello momsh, yung baby ko po ngayon is pure breastfeeding din π She's currently 4months. Try to eat healthy rin po, more veggies and fruits. Yung baby ko 6 kilos nung 2 months, nung 3 months 7.8 tapos ngayong 4 months last check sa center is 7.3 Bumaba po timbang niya but still, pasok pa rin sa age niya. And ang napansin kong reason is humina akong kumain and nagless yung kain ko ng veggies kasi parang nag more on prito kami lately. Try to eat more po especially veggies baka makahelp po and mga sabaw sabaw. Yung baby ko po ngayon is not taking vitamins kasi di pa advisable ni pedia kasi may vitamins naman daw po ang breastmilk. 6months niya pa advised yung vitamins kay LO. And yung about sa milk naman po di totoo na konti yung sinusupply niyo, that's enough for your baby po. Just continue breastfeeding and direct latching kasi pag nag mix feed po kayo hihina po supply niyo kasi may iba ng inaasahang milk si baby. More on supply and demand lang po yan, mas lalong lalakas ang supply mo ng milk pag lumakas din ang demand ni baby sa dede. Kaya don't stop breastfeeding po π
Hi Mommy, try to visit a Pedia po para macheck. Pag okay naman po ung number of poop and ihi niya in a day, okay lang yan usually. Sabi ng Pedia namin, nagbabawas ng 10% of weight ang mga babies on their first 2 weeks of life. Normal na mag-gain ulit on the 3rd week by 200-300 grams and every week na dapat nag-gain yan. If you're worried naman kayo na baka kulang sa milk si baby, try mo icheck if how much milk the baby is feeding each day. Kaya lang, masusukat lang maigi if you're pumping kasi makikita mo how many ounce ang nauubos ni baby in a day. Pwede mo rin pacheckup talaga sa Pedia to be sure if your baby's weight and growth progress is within the normal range talaga.
Thankyou po. Pa check up ko na lng po sya sa pedia pra sure po.
hello mommy! pure BF din baby ko , petite ako at mataba daddy nya, c baby ko po 3 mos. ng mag start na bumilog katawan nya, as long as tama po ang weight nya wag ka po mag worry. sasabihin naman po sayo ng pedia kung may problem kay baby.basta po c baby hindi sakitin normal kumilos malakas mag latch ok po sya. at iba iba din po ang pag grow ng mga baby natin.tuloy ka lang po sa pag BF kay baby. until now po pure BF ako mag 2 yrs old na anak ko next month hindi sya mataba ,pero malakas po kumain at sobrang likot ng anak ko.
mas mainam po na mapatingnan po siya sa pedia para maka sure po kayo π
As long as di sakitin si baby, wag po kayo mag worry masyado. Wag pa stress mommy, nakaka affect po ng milk supply natin yan. Based sa experience ko, yung panganay ko po is EBF, payat po siya talaga. 2.6kg lang po siya nung pinanganak at di masyadong bumigat after few months. Nasa genes din po kasi, ako po kasi noon e kahit anong kain ko di talaga ako tumataba. Kaya yung anak ko po kung anu ano ng pampaganang vitamins ang na try namin pero talagang mahirap siyang patabain. Di naman siya sakitin kaya di na ko masyado nag worry. Hanggang ngayon po na 5 na siya petite pa din siya. π
mommy normal sa ibang breastfeed baby ang payat kasi 90% ng milk is water unlike sa formula na may sugar. ganyan din ang nephew ko. As long as tama ang timbang nya sa age at hindi sakitin normal po. Also, Its depends sa family genes if some of you is payat most certainly baka namana ni baby un. Remeber na wala sa taba/payat/laki/liit ang katawan. Madami dyan mukhang healthy tignan pero sakitin. Magworry ka if payat si baby mo tapos sakitin. Saka 2months palang naman sya lalaki pa sya. Keep breastfeeding lang po.
yung baby ko nga 2.8 kilograms lang po nung nilabas ko pero normal na normal po sya mami..
ganyan din po mga pamangkin ko nung mga sanggol palang pero pagdating ng 4to5months tumaba naman sila tas nung nag 1yr old na payat ulet haha pero alam ko inaadvice sa pedia nyan iaalternate mo nalang si baby sa bote and sa breastfeed mo if super nagwoworry ka na hindi sya tumataba try mo nalang po sya ibote na tapos sa gabe sa dede mo napo. kase nakakataba din po pag bote din e. ganyan kase inadvice sa ina ng mga pamangkin ko kase baka da wkunti lang naiinom ng baby sa dede mo
Sge po. Salamat π
Hi mommy! Usually po payat pa talga ang baby ng 1-2mos :) nataba sila start ng 3 mos. If ever nman po na nakakapag pa check up kayo sa pedia or center, pwede nyo po i ask kung normal ang timbang ni baby. Kung matitimbang mo rin sya mommy pwede mo icheck dito sa app yung ideal weight nya para mapanatag ka po kung healthy na or hindi yung body size nya :) As long as d nman nagkakasakit, at normal po ang timbang eh okay kang po na payat sya π
Okay lng po kaya yung weight nyang 3.3kg 2mos na po sya sa 21.
as long as within the normal range and weight nya and your pedia says so, you have nothing to worry about mommy. ako tabain talaga ever since and yung tatay ng anak ko mataba rin right now since lockdown hehe pero EBF kami ni baby, hindi rin sya mataba. noong una nag wworry ako pero within normal range naman ang weight nya so di na ako masyado nagiisip ngayon na baka ganito, baka ganyan. and normal poops and pee, okay lahat.
Parang hindi po kase normal yung weight nyang 3.3kg lng tapos mag 2mos na sya sa 21. Pero normal naman po ang poop at ihi nya. Smula nung nilabas ko sya dko pa sya npapa check up sa pedia.
hello! ganyan din ang baby ko, 3months na ang baby ko now, ang liit at ang payat nya nung 1-2 months pero pagdating ng ikaw 3rd -4th don na sya tumataba at lumaki ang hita, pure breastfeed dn po ako. wag mawalan ng pagasa, as long as magana naman syang dumede sayo, di sya tatamlay tamlay keri lang. wag po masyado magaala lalo na kung nakikikita nyo pong mukha naman syang okay at di sakitin. π
Jabezeth buban