First bath after normal delivery

Mga mii ask ko lang po kung kailan pwede maligo after manganak? Sabi kasi ng pinsan ko after 1 month pa daw. Jusko di ko ata kakayanin yun HAHAHHA thank you po sa mga sasagot 😊 #firsttimemom #pasagotmgamommies

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

samin naman 9 days bago maligo. pero 4 days lang naligo na ko ng patago kasi nagask ako sa mama ko 6 kasi kami magkakapatid sabi nya di nya naman ginawa yung mga ganung pamahiin wala naman daw sya nararamdaman ngayon (sabi kasi ng matatanda mararamdaman daw ang binat pag tumanda na). may kasi ako nanganak kasagsagan ng sobrang init, tapos araw araw pa ko pinapaliguan Ng langis gawa may hilot din in 9 days. jusko parang mauuna pa kong mamatay non sa heatstroke kesa sa binat hahahaha kaya niligo ko na talaga. tas pag ka10 days ayun pwede na daw maligo ang ginawa halos kumukulo pa Yung tubig tapos nilagyan ng kung ano anong mga dahon dahon ang pinaligo sakin (Yung manghihilot din nagpaligo grabe binigla ako sa buhos sobrang init🥹)

Magbasa pa
5mo ago

anyways nasa side ako ng lip ko now, daming bawal at pamahiin hays

Jusko, sa ospital pa nga lang after manganak. Mga 4-8hrs pagkapanganak pwede ng maligo. Imagine yung mga bacteria or virus na possible nakadikit sa balat nyo malilipat sa newborn nyo? Tas mag breastfeed sainyo si baby di nyo man lang nalinisan ang breast and nipple area tas ipapasupsup nyo sa baby. 2024 na tayo ngayon. Mga namamatay dahil sa binat mga gutom at stress. Hindi dahil naligo ka agad pagkapanganak. GOOD HYGIENE DAPAT TAYO lagi since may sanggol tayong aalagaan.

Magbasa pa

Ako, the next day after giving birth. Nanganak ng 8pm umuwi ng 2pm the next day. Sabi ng mga sabi-sabi wag muna maligo ewan ko if bakit pero if san ka comfortable dun ka mag 3 years naman na anak ko oks naman ako. Inadvice lang naman saken is about sa healing ng tahi, bawal maligamgam na water gamitin kasi yung ginamit na pantahi is baka malusaw, kaya more on tap water din talaga gamit ko

Magbasa pa
5mo ago

sorry but di ako naniniwala dyan, dahil 4-6 weeks ang postpartum period after birth. Kaya di porke pagkapanganak kakain ka na ng kung ano ano healthy pa din dapat kasi nasa recovery stage pa, nasa katawan pa di pregnancy hormones, plus stress at puyat. Kaya dapat alagaan ang sarili, have a GOOD HYGIENE 😊 Try to research dami ng OBGyne na nagbibigay ng advices sa facebook.

VIP Member

Hello there. Kakapanganak mo lang po ba? Congratulations 🎉 May ibang tradition po kasi na 30 days bago maligo para hindi mabinat/ lamigin ang katawan ng mother. May mga dry shampoo ding available sa market para hindi mangamoy ang buhok. Itanong mo din po sa doctor mo po kung anong mas maganda para sa iyo Kasi depende sa kalagayan ng katawan mo after mag give birth

Magbasa pa

Dati sa 1st baby ko dahil napapaligiran ng mga mahilig sa paniniwala pati ako inabot 1 week bago maligo. Kahit ligung ligo nako sa init. Pero wag ka maniwala sa ganun. Mas better na malinis ang katawan mo mommy, kesa magpapadede at skin to skin ka ng pawisan aa baby mo. Pag healthy at clean si mommy, ganun si baby :)

Magbasa pa
5mo ago

ako po naniniwala. dahil may kakilala po ako napasukan ng lamig at nabinat. ayun namatay

TapFluencer

kinabukasan ata o after 2days naligo nako, wala naman daw bawal sabi ng ob ko pero 1week daw na maligamgam muna ipaligo ko, okay naman ako 1yr 2mos na si baby. Madali rin ako mainitan kaya hindi ko kaya yang after 30days pa lol 😂

hello please student midwife here, pwede na po maligo agad pagkapanganak. wag lang po uupo sa mainit or maligamgam na water if may tahi sa pwerta dahil possible po na malusaw ung tahi at bumuka yun lang po ang bawal😭

Sa mga sumusunod sa gnyn n di pgligo imagine m nlng pg d k nliligo yng bacteria is msisinghot at mapupunta kay baby. Bk maging reason pa ng pagkakasakit ng baby. Kaya better ask doctors kesa sa mga ngssbi ng pamahiin.

Hello ako nun sa panganay ko 1week lang then after 1week need mo mag langgas dahon ng bayabas kamyas kalamansi at mangga, pakuluan at yun po ihahalo sa unang paligo natin para makaiwas daw po sa binat♥️♥️

4hrs after ko manganak,naligo agad ako,sa ospital pa mismo. Nagpaalam naman ako sa doctor,pwede naman daw. Ang binat po,sa gutom nakukuha,hindi po sa pagkilos at pagligo.