BREAST FEED ❤️

hi mga mii ask ko lang pano nyo natiis ung sakit ng pag papa BF ? gusto sana mag pa BF sa baby ko may milk nmn ako pero mga mii ikenat dko talaga kaya ung sakit kulng nlng mag tirintas ung mga daliri ko sapaa twing mag lalatch na sya 😞 kaya nag pupump nlng ako which is parang matrabaho pa for me kesa mag direct latch sakin c baby. pero tinatry ko parin nmn gumagamit ako ngayon ng nipple shield para ma BF c baby . any tips mga mii 🥹#advicepls #pleasehelp #respect_post

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sa akin mi, halos sukuan ko talaga. Nagsabi na nga ako sa husband ko na i-formula na lang pero hindi ko talaga matuloy-tuloy parang nakukunsensya kasi ako na hindi ko maibigay yung dapat na ginagawa ng katawan ko. Ilang gabi ko rin iniyakan yan. Puro sugat na at milk blebs yung nipples ko kaya ang ginawa ko muna sa first 2 months ni baby, pump ako sa morning tapos sa gabi yung latch para makapagpahinga yung nipples ko. By 3 months, ayun, thank God. Nasanay na rin nipples ko kaya unli latch na si baby. Pero mi, kung makapag-decide ka na tiisin ang breastfeeding, aral ka ng mga breastfeeding position kasi si baby from time to time masakit pa rin mag-latch sa akin kasi shallow latch. HAHAHA

Magbasa pa
1y ago

ako man mi nakokonsensya ko. pero ung 2 anak ko nmn kase formula lang. nagpapagawa kase kame ng bahay kaya kada sipsip nlng ni baby iniisip ko pambili din ng kulang sa pinapagawa namin ung matitipid ko .

Mi, ilang weeks ka nang nagpapa-bf kay baby? Ilang months na siya? Kasi based on my experience, first few days ni baby ko sobrang sakit din magpalatch sa kanya. Ginawa ko, pump din ako to rest my nipples kasi sobrang mahapdi na talaga. Tapos may nag advice sa akin na wait at least 6 weeks si baby bago ko mag start mag pump pala kasi may tendency na mag-over supply. So, tinigil ko muna pumping and pina-unli latch ko si baby. Tiniis ko hanggang masanay kami pareho. Ngayon, 2mos and 20 days na siya and thankfully, wala nang prob sa latching. Nevertheless, I wanna let you know na you're doing your best for your baby. Kaya, fighting lang! 🫶

Magbasa pa
1y ago

thank u mii kahit napapapikit ka nlng talaga sa sakit tiis tiis malalagpasan ko din ung stage na to ❤️

1st 2 weeks ko ang masakit kasi sugat sugat at dumudugo na rin nun mga nipples ko. basta ginagawa ko lang nung latch lang ng latch, before and after naglalagay ako ng nipple balm at airdry. tamang position din at tamang latch inaral namin ni baby pati check mo kung may lip/tongue tie. sa awa, kusang gumaling ang nips ko and now 4months na kaming ebf 🙏 true na matrabaho amg pumping 😅 yan din tamad na tamafmd akong magpump esp sa gabi, kaso need ko pa rin since nagiipon ako ng stash para sa back to work supply ni baby will power at tiis lang talaga

Magbasa pa
2y ago

nag ccmula palang mag latch c baby ayoko na sa sakit 😞 saludo talaga ako sa mga mami na bf natiis nyo unh sakit

Naalala ko nung 1st month ni baby, lagi akong napapakagat sa damit ko sa sobrang sakit kasi yung nipple ko talagang may sugat to the point na nakakaintake na si baby ng dugo. Pero tiisin lang talaga, ang gamit ko lanolin and mama's choice nipple cream, before and after maglatch ni baby, so far ngayong mag 2 months na si baby, okay na kami, kaya niya na maglatch ng ayos. Tyagaan mamsh, mas nakakapuyat kasi magpump, kasi bukod sa pump, maghuhugas ka pa ng pump unlike pag direct latch, taas damit lang and pagpapaburp lang ang matagal.

Magbasa pa

Hi mommy, painful breastfeeding is common but NOT normal. Hindi po pala kailangan tiisin ang masakit na pagpapasuso. Kapag masakit po, ibig sabihin pala ay hindi tama ang latch ni baby, dapat naka-deep latch po sya. Learn how to deep latch po, mahirap at first pero once natutunan ninyo ni baby, it's essential and worth it ☺️ For starters, panoorin nyo po ito: https://youtu.be/WVEABNhXr1A

Magbasa pa

16mos ebf mommy here.. nacheck mo po ba yung mouth ni baby kung hindi siya tongue tie/ liptie? yung may ganyan kasi masakit maglatch... at isa pa dapat tamang position si baby sa paglatch sayo mi.. dapat sa BF comfortable kayo both ni baby at wala ka po sana mararamdaman masakit.. sa akin po since day1 never ako nakaranas ng pain... try mo mi manuod sa youtube tamang latch ni baby... Godbless

Magbasa pa

first time mom din ako...masakit din sa suso twing nagpapa latched ako... .at nag papa unli latch..minsan nag papump sa awa nang Diyos..kinaya ko yung sakit..hanggang sa nasanay nalng dede ko..mga isang buwan din siguro c LO nung..bago nawala ang sakit..halos maiyak kanalng twing dede c LO ...2 months and 26 days na c LO ko..nakakaraos namn.. kayat kaya mo rin yan mi☺

Magbasa pa
1y ago

pump at latch din sakin c baby mii kaso twing mag lalatch sya sakin tinutulugan ako. kaya sandali lang sya nakakadede ang ending pupump ko padin kase tumatagas na ung gatas ko. ska tagal ng pagitan ni baby mag dede 3 to 4 hrs bago sya mag dede minsan ginigising ko na makadede lang

Ako rin first 2 weeks masakit. pero isa sa pinaka naging magandang advice sakin, if masakit, wag ilayo ang nipples. ang tendency kasi natin pag sumasakit, medyo nailalayo natin. pero dapat nilalapit pero wag naman sobra. make sure na hindi lang nipples sinasuck nya. masakit talaga yun. dapat nakalatch sya around ng areola mo

Magbasa pa

talagang mapapa YAWA ka tuwing dedede si baby pero isipin mo kasama yon sa bonding nyo mawawala din naman yung sakit na yon after 2 to 3 months talagang tiis lang po 😊 ako nga pinupulikat non tuwing dedede si lo 😂 9mons bf mama here ❤️ gusto ko mag bf until 2 yrs ni lo or sa mag sawa sya

same kagat labi ako lagi every 2hr pa naman SI baby Minsan 2x in 1hr, I know dapat deep latch kaso Ang hirap Gawin yon. bumili nalang ako Ng nipple cream Sabi nila safe for consumption Naman and ma feel mo guminhawa yung nipples mo. I haven't received it yet tho

2y ago

ako mii nipple shield