prenatal vitamins

Hello mga Mii, ako lang ba sinasabihan na wag ng uminum ng vitamins para ndi daw lumaki ng masyado si baby 25 weeks na ako now, para daw ndi ako mahirapan manganak.. naloloka ako sa mga sinasabi ng family ko, siguro concern lang sila at yun ang ginawa nila nun buntis sila .. bawal matulog ng hapon at wag masyadong uminum ng tubig nakakataba daw ng baby.. Mga Mii pa advice naman po.. kayo mga Mii paano ang diet and lifestyle nyo?#FirstTimeMommy #advicepleace

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isama mo sila sa check up mo and itanong mo sa doctor kung tama or dapat bang sundin yung mga sinasabi ng family mo, para sa mismong eksperto nila maririnig na hindi tama ang mga sinasabi nila. Wala akong binago sa diet ko, pinagbibigyan ko ang cravings ko pero hindi araw-araw at tama lang ang dami. Umiinom ako ng at least 4 liters ng tubig (minsan higit pa) para tama ang dami ng amniotic fluid at nakakatulong makaiwas/makagaling ng UTI. 25 weeks palang, kailangan pa din ni baby lumaki sa tiyan mo kasi kung ipapanganak mo siya ng maliit o mababa ang timbang hindi siya ididischarge agad hangga't di naabot ang tamang timbang. Sana maintindihan ito ng family mo na kung susundin mo sila, ikaw or si baby (or both) ang malalagay sa alanganin.

Magbasa pa