3.5kg at 6 weeks old. Paano pabigatin?

Hi mga mii, 3kg LO ko nung nanganak ako, pasok sa growth chart ng WHO, kaso etong nag-6weeks na siya, 3.5kg lang, at masyadong magaan pa pala siya. Dapat nasa 4kg na si LO. Ano pang pwedeng gawin? Exclusively breastfeeding kami, tapos feed-on-demand. More than 4 times din kami magpalit ng diaper, tas punong puno din ng wiwi/poop. More than 8 times din kami nagde-dede per day. Sabi ng lying-in clinic na kulang pa milk supply ko at dapat matigas/engorged daw, pero according naman sa lactation consultant, mas gusto ng mga baby na malambot yung breasts tapos madami naman milk supply ko. Medj conflicting yung advice kaya di ko alam kung anong next na gagawin ko#firstbaby #pleasehelp #FTM #advicepls #firsttimemom

3.5kg at 6 weeks old. Paano pabigatin?
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa case ng baby ko bumaba din timbng nya few weeks after qng mangank, nbsa ko nmn na that's normal. sa 2nd month biglang taba at bigt na Yan Basta tulog2 at Dede Dede. as per lac. consultant inuuna dw kse ng breast milk Ang brain development kysa pagtaba. also normal lng na onti pa milk supply kse prang calamnsi p lng nmn laki ng liver ni baby. the supply is 2x the demand, keep on palatching lang. natandaan ko rin pla na sa early weeks pinag vitamins na c baby. then now 2 na vitamins nya. sa case ko around 2nd month ni baby, biglang lumaki areola ko, Sabi ng consultatant, mabilis dw kse flow ng milk. when it comes to breast milk mas may knowledge Ang lactation consultant. amazingly Hindi Po naeempty Ang breast milk, as per pedia ng ank ko, wla p dw research na naeempty Ang breast.

Magbasa pa

Hello mamsh! Same sa baby ko, ebf din kami. Accdg sa pedia naman wag daw mag worry sa wt so long as baby is feeding & sleeping well, nakaka poops at nakaka wiwi. 😊 nabigat naman sya kada visit namin sa pedia kaya lang kyoot na wt gain lang..nung mag 4 mos na sya at nag start kami mag solids dun na sya talagang nag gain ng timbang. padede ka lang ng padede. ang engorged boobs mamsh ung natigas dahil di ka nakapagpa dede on time or natagalan ka bago magpa dede kaya feeling puno "matigas" ang boobs mo :)

Magbasa pa

dont worry po mommy ganyan LO ko since ipinanganak ko sya nagbreastfeed din ako mababa talaga timbang nya may mga babies po na ganun talaga basta di sya sakitin kase sa lahat ng babies ko 3 cla sya ung pinakamaliit pero sya ung pinakamalakas ang katawan unlike sa 2nd born ko pinaka mataba at mabigat literal pero pag nagkasakit bigtime po agad ospital kaagad.my LO is 2 years and 7 months now pero weight nya is 12.5 lang pero di sya sakitin.

Magbasa pa

i think di nakukuha ni baby yung hindmilk mo. yung pinakamaputing milk. nandun kasi yung fats, proteins at iba pang nakakataba sa baby. need mo sya pasusuhin hanggang halos maempty yung suso mo bago ka lumipat sa kabilang suso. kumain ka rin ng masustansya. dahil ang mga kinakain mo, napupunta sa breastmilk din yan at nakukuha ni baby. kung kulangvsa protina at taba ang intake mo, ganun din, halos parangbtubig lang din ang milk mo po..

Magbasa pa
2y ago

paano malalaman kung empty? basta lumambot yung breast?

Pasok naman weight nya sa normal weight Mi sali ka ng Breastfeeding Pinay group sa FB, marami ka matutunan dun about breastfeeding. Sa post mo naman mi wala akong nakikitang mali sa feeding mo kay baby. Tama din naman output nya, pag madami naman output ibig sabihin marami ka din milk kaya hindi totoo ung kulang ang milk mo.

Magbasa pa

i-drain or patagalin ang pagdede each breast kasi nasa dulo ng breastmilk ung fats. or kulang sa fats ang breastmilk. ganun sakin. dahil nahinder ng medication ko ung fats sa breastmilk ko.

2y ago

Nagiging fussy si LO kasi kapag parang super lambot na ng breast ko, so di ko sure kung may nakukuha siya?

If you want pwede mo sya i-mix feed. Pero kung ayw mo,ikaw nalang bumawi ng kain sis. Eat healthy foods kase mapupunta din kay Baby yung nutrients.

mas okay na padedein si Lo kapag matigas yung breast mo hanggang lumambot saka mo ilipat sa kabila ....

tataba yan tiwala lang lalo pat bf mom ka lahat ng nag bbf mom tumataba anak

Thanks sa mga insight niyo guys! Napakalma ako kahit papano. ❤️