Is this red flag?

Mga mih. I need your thoughts. Dito ko nalang isshare kasi wala din ako mapagkwentuhan nito sa kahit sinong kakilala ko dahil kahit papaano ayoko din malagay sa bad light yung partner ko. You see, we've been together for 3 years and a decade now and kakakaroon lang namin ng baby 2 years ago. Our previous years ok naman kami. Pag nag aaway, madali namin napag uusapan. Siguro, iba din kasi yung di kami nagkikita parati nun. Parang halos LDR kasi kami nung first 5 years namin eh. Then nagdecide na kami mag live in nung 2016. Nung kami ng dalawa lang mas namamanage namin mga bagay. Nag aaway pa rin kami like usual couples do pero alam ko mas madali pa rin namin mapag usapan. Hanggang sa nung nagkababy kami nun. Actually, gusto ko naman talaga magkababy pero alam ko sa sarili ko na di pa ko sobrang ready (financially and emotionally) ang katangahan ko lang, hinayaan ko lang sya na gawin namin yung deed kahit may doubts pa ako sa sarili ko na di pa ako super ready. Siguro kasi dahil sobrang kampante ako sa tagal na rin namin feeling ko secure na rin naman ako sa kanya and sure ako na mahal namin ang isa't isa. So nangyari na nga na nabuo yung baby. Nung mag PT ako nun nagulat ako (actually sya pa yung nakakutob nun na buntis ako) pero masaya din naman ako kahit may onting takot kasi alam ko sya naman kasama ko sa pagtaguyod nung baby kaso kahit expected nya parang di naman ganun kawelcome sa kanya yung thought na magkakaanak na pala sya. Medyo nadismaya at nalungkot lang ako nun pero inunawa ko kasi syempre tulad ko nun may takot din sa kanya yun. Pero laban pa rin kami. So nagdaan mga buwan nung habang buntis ako mas napapadalas kami mag away na. Andyan dumating sa punto napisikal nya ko nun (oo buntis ako nun tinulak, sinakal at tinadyakan nya ako nun) nagalit ako sa sarili ko kasi in a way parang naprovoke ko sya pero iniisip ko rin deserve ko ba maganun? Tapos nung lumabas ang baby akala ko kahit papaano magmmellow na. Alam ko naman na di na rin kami babalik sa dati namin set up pero atleast yung kahit man lang sana magkaroon ako ng peace of mind sa pagsasama namin. May times pa kasi napagsasalitaan nya ko ng sobrang sakit like "ikaw ang sumira ng buhay ko" ( that time nung malaman kong buntis ako, ako yung nag give up na wag na magtrabaho kasi para maalagaan ko yung baby ko nun) tapos nitong nakaraan sumobra na yung pagiging explosive nya, dumadating sa punto na sinasakal nya na ako at sinasabihang either. Mam@tay na ako or lumayas nalang ako. Alam ko naman may kasalanan ako, na may times may pagkukulang ako bilang partner lalo na nung dumating ang baby namin kasi mas natutok ako dun. Alam ko mas madalas na mag init ang ulo ko kasi andami ko na iniisip na minsan nakakapagod nalang kasi feeling ko di na ako naiintindihan kahit ilang beses ko na tinatawid ipaintindi yung mga punto ko. Di ko alam kung deserve ko ba na intindihin kasi at the moment wala akong maiambag masyado kundi nasa bahay lang at nag aasikaso ng bata at sa kanya. Alam ko naman walang perpektong partner. Alam kong mahal nya ako. Pero may times gusto ko na rin gumive up kaso pano na rin yung anak ko? Nag iinarte lang ba ako or red flag na ba to?

12 Replies

red flag yang manakit. ung pgsasalita ng di mgndA kht ppano kery pa kase ngyayari yan pg nag aaway lalo pareho kyo mainit ulo. pero pag pisikal, iba na yan. to think ang tagal nyo na. kmi ng hubby ko, ldr din nung nging kmi.then propose sya agad. aftr 9mos pinksalan nya nako..and dun ko din sya nkilala ng lubos nung mgksma n kmi s isang bubong lahat ng hndi mganda nyang ugali nkita ko. pero awa ng dyos di nmn sya nananakit dhil hndi tlga ko papayag. full time mom din ako. pero pag off nya sya nglalaba. sya din ngluluto araw2 may pasok man sya oh wala. i mean, hndi mo deserve yan.

Usap muna bakit xa ganyan sau.. Tanungin kung mhal kpb nya at gus2 pa nyang ituloy ang pgssma nyo kc mahirap ang gnyan na sinasaktan ka nya pisikal man or emosyonal mahirap yan. Isa pa lang anak nyo kung kaya mo syang buhayin at may mgulang kpa pwede mo cguro kausapin at ipagkatiwala mo sknla ang anak mo habang nagwo2rk ka.. Nasa sau ang dcsyon kung kaya mong kumawala s gnyang sitwasyon. Pwede rn kau mag usap sa set up nyo na co parenting total resposibility nya pdn anak nyo kht hiwalay kau. D man ganon kadali kya asa sau prn ang dsisyon.

eto lang din 🙂 once na ang lalaki pinag buhatan ka nya ng kamay yan ay tanda na ng hindi na nya pag respeto sayo.Pero kasi mama kung ako sinaktan ng isang beses. It's my way of giving up sa relationship. May anak ka, buhayin mo nalang siya. Mas magaan sa pakiramdam, maluwag sa damdamin at isipan na siya lang ang iintindihin mo. Huwag mo pang hinayangan yung buong pamilya pero ang anak mo lumalaki sa isang environment kung saan ang mama at papa nya ay nag aaway. Mas mahalaga ang nararamdaman ng anak mo.. lalo kana.

Tinatanong mo pa kung red flag eh obvious nman. Alam mo, ikaw lng mkakapagtimbang nyan kung dapat bang ipagpatuloy o madadaan pa sa usapan. Di din ksi natin alam kung ano nangyayari sa kanya bakit may frustrations sya tapos ikaw yung napagbubuntongan nya to the point na mapupunta sa pisikalan. Pray ka lang at pag-usapan nyo para hindi ka mahirapan.

TapFluencer

Reg Flag na talaga yan mi. Kung naulit yung pananakit nya sa iyo, pwede nyang magawa pa ulit yun. Huwag mo ng hintayin na mas malala pa ang magawa nya sa iyo. I-share mo ito sa family mo o sa pinagkakatiwalaan mo. Dapat may nakakaalam sa nangyayari sa iyo, for you and your baby's safety. Praying that God will guide you on your decision. 🙏

from the moment na pinag buhatan kna ng kamay at sinabihan na ng di maganda is red flag na po yun. Huwag knang mag hanap ng mga reasons para ma validate yung ginagawa nya sayo. dapat nung una palang pumalag kna kesa hinahayaan mo sya hanggang sa namimihasa na gawin yan sayo

nung sinaktan ka nya isang beses, red flag na yun. Tapos pinagsasabihan ka pa ng mga masasakit. I cannot miii. Walang kahit sinong deserve ang ganyang treatment.

naku mii kung ako sayo, una palang na sinaktan ako kahit pa kasalanan ko umalis na ako, kahit baliktarin pa ang mundo hindi pwede saakin yung ganon.

Mgaa mi suggest nmn po kau toothbrush para s baby ko 4 po ang teeth nia need na dn po itoothbrush pa suggest ng mgnda at ng toothpaste po ty mga mii

red flag na yan mumsh, super lantad na nga e. ikaw lang kumakapit sakaniya kasi may anak kayo at wala magtataguyod sa inyo dalawa.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles