Pink na dugo sa ihi ni newborn baby
Mga mie ask ko lang po ano pa kaya etong parang pink na dugo galing sa etits ni baby boy ko. 5days old pa lang po siya. Salamat sa mga sasagot super worried na po kasi ako, bukas pa sched niya sa pedia niya. 🥺
observe mo mi kasi yung friend ko din ganyan kakapanganak lang nung Nov 7 then Nov 10 ata nagkaganyan baby girl naman kanya, dinala nila sa lying in kung san sya nanganak ang sabi daw dun baka sa kanya pa galing yung dugo e wala naman daw any test na pinagawa di na din naman daw naulit tska masigla naman ang baby dahil kung may nararamdaman din yun iiyak ng iiyak. observe mo mi tska mo itanong sa pedia tom.
Magbasa paganyan din sa baby boy ko. siguro 3-4 days after birth may ganyan siya. sa sobrang praning ko, pinacheck ko sa pedia. sabi sa hormones daw ng mother yun nung nasa tummy pa si baby. pinatest yung blood it came all normal naman. pa dedein mo lang si baby ng padedein para ma wash out yung hormones na nakuha sayo. if praning ka din katulad ko, pa check mo mamsh 😁
Magbasa pamalakas po ba umihi? pacheck nyo po sa pedia. ganyan sa baby ko, nagkaka blood yung ihi. ayun pala may UTI na. maliit daw kasi butas ng ari kaya prone sa bacteria. kaya mula noon kahit wala pa masyadong ihi palit agad ako ng diaper at linis mabuti ng ari nya.
Brick Dust po tawag diyan , common po sya for newborns po.nagkaganyan baby ko 4days old pa sya no. , it lasted 3days po , base sa na search ko po di nman sya alarming but still better consult your pedia po . Stay safe 🥰
I suggest pacheckup mo kay Pedia pra tlagang ma advise ka if normal ba yan or hnd kasi sa eldest ko wla ganyan. Alam ko 7days from discharge nyo sa hospital diba dpat may checkup kayo nun kay Pedia? or baka iba iba sguru
ganyan baby ko 1week syang nag turok ng antibiotics dahil daw sa UTI nahawa sakin nung buntis pa ako kya nung nanganak ako gnyan sya pero after 4-5 days nawala nman at gumaling
Ganyan din po yung bby ko nung newborn palang sya nung nasa hosp. Kami kulay pink and yellow panga pa yung wiwi nya non pero kinalaunan nawala din naman po
ganyan din po sa baby boy ko momsh nung pinanganak ko, sabi ng mga nurse sakin normal lang naman daw. nawala rin naman.
normal lang po yan mii ganyan na ganyan din sa baby boy ko pinacheck up ko normal pala sya sa baby boy.
better consult pedia po Kasi 5 days old po. para SA peace of mind mo din