βœ•

20 Replies

pag tulog mantika po Ang nanay dapat Hindi nag coco-sleep para Hindi madaganan si baby. mejo may connect din yang pamahiin Kasi baka nga madaganan si baby. kung ikaw nanay Alam mo sa sarili mo na mahimbing Kang matulog eh dapat sa duyan or crib na Lang matulog si baby. ako breastfeeding for 2years now at co sleeping kami ni baby Hanggang ngayon. Hindi rin po ako kasi nakakatulog ng maayos. konting kaluskos lang sa higaan gising agad minsan gusto ko nang matulog Kasi pagod pero di tlga ako makatulog kaya nanonood na Lang ako ng kdrama haha. ganyan na rin ako bago magbuntis tlgang hirap sa tulog dahil sa shifting trabaho ko nun. paiba iba Ang Oras ng duty ko araw araw noon sa abroad kaya nakasanayan na wlang matinong tulog

sa anak ko na na nga po Ang lahat ng space sa mattress eh haha dun na ako sa paanan nakapwesto pero nasa lapag naman kami at kahoy Ang sahig may rubber mats din. pero kahit mahaba na tulog ni baby at minsan lang sya nagigising para mag Dede sakin eh di parin ako makatulog. kaya nood nood na lang ng kdrama hehe.

Hindi naman po sa bawal natin talikuran si baby,kundi paano kapag napasarap tulog mo na halos d mo na namamalayan umiikot ka ng kusa tas madaganan mo si baby??? Kapag yung baby naten in first weeks,tayong mga nanay, makakakuha lang tayo ng masarap na tulog kapag may ibang bantay kay baby,di po pwedeng kapag tayo ang bantay e papakasiguro na tayong malalim or masarap ang tulog naten. Paano si baby?? Ako eversince sa panganay ko,hanggang mag 1 year old,wala akong malalim or masarap na tulog kung wala si papa niya.

i think ang concern ng kasabihan or paniniwala na to is pag malalim makatulog ang bantay, di mamalayan if maipit katabi. if ikaw ay malalim matulog then please, wag ka mag co-sleep ng dikit na dikit kayo. pwede siguro if may space kayo sa isa't isa to consider yung pag galaw galaw mo. kasi ikaw na nagsabi, di mo namamalayan pag tumalikod ka. magisip ka lang in terms of safety nung baby, yun naman pinagmumulan ng mga kasabihan na ganito

di naman siguro mi heheh ako tinatalikuran ko baby ko minsan. kasi nakakangawit na isang side lang palagi.. ayoko naman din lumipat sa ibang side kasi either mama ko or sister ko ang katabi namin nang baby ko tuwing gabie kasi trabaho ang mister ko sa ibang bansa. kaya sila ang palagi ko kasama pagtulog. cosleep ako since pagkapanganak ko sa baby ko. Ako naman din ay mabilis lang magising

para daw pong inaayawan nyo si baby pag ganun. kaya wag daw tatalikuran. mga pamahiin po ng matatanda yan. ganyan ako sa panganay ko. co-sleep kami. tapos sabi ni MIL wag daw tatalukuran. kaya ginagawa ko ako na lilipat sa kabilang side kasi nakakangawit kaya. πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Ako personally di naniniwala sa ganon eh,syempre pag tulog ka di mo nman mamamalayan na lilipat ka ng pwesto like tatalikuran si bby. Maniniwala pa ako na bawal iwanan mag-isa,pero kung yung tatalikuran mo habang tulog ka parang ang hirap nman ata paniwalaan nun.

e kung ganyan kalalim ang tulog mo na halos d mo namamalayang umiikot ka baka madaganan mo naman si baby

i think yung sinasabi na pag nakatalikod ka kasi di mo mamamalayan na pwede madaganan baby mo. kung mag co-sleep ka better na malayo sayo kasi sabi mo nga kung masarap ka matulig at di mo namamalayan posisyon mo. pwedeng ikaw makapahamak sa baby mo.

its safe to say hindi masama pero wag po sana gawen. fact na may namamatay na baby sa co sleeping. nahulog, nadaganan or natakpan ng unan o kumot o braso and the likes. practice and read some articles kung pano po ung safe co sleeping :)

TapFluencer

co sleep is not recommended if malikot kang matulog or tulog mantika ka kasi baka di mo mamalayan na naipit na yung baby. make sure na may enough distance kayung dalawa at malaki space ni baby lalo na pag malikot na ding matulog si baby.

Tatalikuran mo tas masarap tulog mo ?? Goodluck sa baby mo. Sana hindi mangyare sayo yung kinatatakutan ng lahat. D naman kasabihan yun e,paalala yun , nakapag may sanggol ka wag mong talikuran kasi baka madaganan mo.

Trending na Tanong

Related Articles