Closed Fists

Hi mga mi, may same case po ba sakin dito, yung baby ko po kasi minsan naka close yung fist nya, tapos yung thumb lagi nakapasok sa fist. Mag 4 months na po si baby pero hindi pa po sya nakakagrab ng mga bagay bagay. Yung mga hanging toys nya tinitignan nya lang, hindi manlang po nya inaabot ng kamay, parang hindi sya interested. Pinapahawakan ko po sya ng laruan pero nabibitawan nya, parang mahina po yung paggrip nya. 🥲 Sobrang nag aalala lang po ako.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

observe and update your pedia. di naman pare pareho ang timeline ng milestone ng kada baby. palmar grasp normal po yan na reflex ni baby, at nawawala 4-6months. pero kunh napapansin nyong may kakaiba kay baby, pls consult your pedia. kasi malaking factor na maassess agad lung sakali. may mga neurological problem kasi like cerebral palsy (one of the signs ay si baby laging clenched fists, di maopen ang mga kamay di makahawak or weak) https://www.babycenter.com/baby/newborn-baby/clenched-fist-baby_40009446

Magbasa pa

dapat tinanggalan ko na ng mittens nung 2mos. plang sya para mapractice ang grip nya. Baby ko berore mag 3mos. nanghahablot na ng damit at buhok ko, lalo pag gutom lagi hinihila damit ko. Try mo dn yung wrist teether ihawak mo sknya, para masanay sya

same tayo momsh pero pag ung lampin nya hawak nya sinusubo nya. d pa nya naabot ang kamay nya sakin or kung may iaabot ako mag 4 months narin sa 19

Hello mi. Ano po update sa baby nyo? Parehas po tayo.