STRESS NG SOBRA RANDOM THOUGHTS LANG PO.

Mga mi, pashare lang at sana paadvice din. Naka rent kasi kami 6k per month wala naman sanang problema mag 1yr na kami sa nirerentahan namin this nov nasa 3rd floor kami, then may bagong tenant sa first floor everytime na naglalaba kami sakanila daw napupunta yung bula nung nilablabhan namin sa washing machine. Ngayon lagi sila nakatok pag may incident na may bubbles nanaman sakanila kami ba dapat na tenant mag adjust at mamroblema sa problema ng sa drainage na palpak ginawa ng owner? Parang kasalanan pa naming naglalaba kami at sakanila napupunta. Nakakastress lang halos sila pa galit kasi hindi daw kami nagdadahan dahan sa paglalaba at pag drain. Pati yung owner kami pa chinachat na iistop yung pagdrain ng washing san ko naman itatapon yung pinagdrainan??? Nakakabwiset talaga na nakakaasar. Nagmadali dali sila magpagawa ng bahay para magkapera tapos yung problema ng bawat unit parang kasalanan pa ng tenant eh sila tong di inayos paggawa nila ng apartment. Mabuti sana kung di ka nagbabayad. Kami pa dapat mag adjust. Paadvice naman oh, sarap nlng kasing umalis kung meron lang sanang malilipatan agad. Kastress

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hanap na lang po kayo ng malilipatan. Kasi nakakastress po yang ganyan, hindi yan mareresulba lalo pa't yung owner din mismo nang-gagatong instead na ayusin na lang.

Hanap nalang kau ng malilipatan kung ganyan naman ka stress ang surroundings. Dapat yung may ari ang mag fix ng issue ng apartment nya.