Pinag liitan na damit
Mga mi, pahelp naman po mag decide. Buntis kasi asawa ng bayaw ko, tapos baby ko 3 weeks old pa lang, sabi ng byenan ko pahiramin ko na lang daw ng damit yung magiging baby nun. Tapos nabanggit ng asawa ko ulit kanina, sabi ibigay na lang daw sa asawa ng kapatid nya mga damit. Sabi ko "SIGE YUNG MGA BARU-BARUAN" tapos sabi nya, "HINDI, LAHAT NG MGA DAMIT NYAN IBIGAY MO NA", ede nag react ako mga mi, sabi ko "HA? IBEBENTA KO NGA MGA BINILI KO EH, ANG MAHAL KO NABILI NG MGA ONESIES NATO PATI MGA PANTS" tapos sabi nya, "WAG NA, IBIGAY MO NA LANG BAKA MAKITA PA YAN NI ATE, ANO PA SABIHIN" di na ko nag react. Pahelp naman mag decide mga mami. Huhu. Kaya kasi ako bumili ng mga mahal na onesie tsaka pants kasi balak ko talaga ibebenta ko kapag di na kasya sa baby ko. Sariling pera ko naman pinangbili ko sa mga gamit ng baby ko. Okay lang naman ipaheram ko yung mga baru-baruan kasi binigay lang din naman sakin yun. Pero yung mga binili ko talaga nahihirapan ako mag isip kung ibibigay ko na lang ba. Huhu. Ang laki din kasi ng nagastos ko pambili ng mga damit ng baby ko. Nag titinda pa ko ng ukay kahit hirap na ko para lang makabili ng mga gusto kong damit para sa baby ko. Huhu.