AYOS LANG BA?

Hello mga mi, okay lang ba na h’wag na pumunta OB ngayong 37weeks na’ko. Parang di na kasi kaya ng katawan ko, nananakit nadin lagi tsyan ko, nananakit na lahat tuwing naglalakad ako, lalo pa’t mag-isa lang ako lagi at sobrang haba ng pila. Di naman ata magagalit yung OB nyan noh? hehe. Sorry mga mi, first time mom here.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kung na hihirapan po pumunta sa OB pwede po kayo magpa monitor sa center nyo po kung mas malapit. dito po kasi saamin pwede magpa alaga sa center at IE. 37w&5days na din po ako at hndi na ako napunta kay OB dahil hindi na kaya ng katawan ko. masakit na kasi balakang,puson, pati pem2 sumasakit na(as,in di ako makalakad ng maayos) . Last punta ko kay OB open cervix na ako and 1-2cm na din. Bantay sarado lang din ako sa mga nararamdaman ko. may copy din kc binigay sakin na danger signs na dpat na pumunta sa hospital un na ang guide ko mi. Relate ako sa hindi maka punta dahil wlng kasama at mahaba ang pila. -Sana medyo maging sensitive tau sa mga isasagot natin. Hindi naman natin alam baka medyo maselan na sya sa pag lalakad. gaya ko po ng dahil sa kakabalik ko weekly sa OB&hospital kasi need ng monitor nag preterm labor ako dahil active sà lakad. walang kasama dahil malayo ang work ni hubby and my parents both not available. kahit naman cno pa isama commute at mag lalakad padin ako kaya ang ending preterm labor . buti na agapan ng bedrest at pinag shot na ng pampa matured ng baga ni baby . sayo mi na medyo alanganin na sa OB at baka malayo mag center ka to monitor padin ky baby 😊. pag may nararamdaman punta agad center. kapag may bumabagabag punta agad center. ganyyan ako kahit hndi ko pa balik ng center babalik ako sinusunod ko instinct ko. ganun din sau. sana maging okie kau ni baby mo mii.. spread love.love.love❤❤

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

true mi, hirap talaga maglakad. halos every 5minutes napapatigil ako sa lakad kasi biglang sasakit yung pwerta ko, hingal din madalas lalo na’t mainit panahon ngayon. Malayo din talaga hospital dito, 2rides ako. Natatakot ako lalo’t walang kasama kasi kailangan ding magtrabaho ng mga partner natin. Thankyou sa advice mi, pwede din pala sa center❤️

yan na yung linggo na dapat palagi kang nagpapa check up dahil mas minomonitor na kayo ng baby mo ngayon lalo na't malapit ka na manganak. mag sacrifice ka, ano ba naman yung pipila ka? para naman yun sayo at sa anak mo.

all the more kayo dapat magpa check up kasi nasa term na kayo, may nga warning signs na dapat bantayan kapag nasa term na.. Pwed naman kayo umupo while waiting sa line.

need po talaga kasi start ng weekly check ang 37weeks dahil anytime pwede na manganak paraamonitor cervix mo at si baby.