Palaging umiiyak

Mga mi meron po kaya sa inyo na same ang situation sa akin? Si LO po kasi palagi syang umiiyak. Mag 3 months na po sya pero pansin kong mas matagal ung moments ng iyak nya kesa pag smile. Madalas po syang irritable kahit nagawa na po ang mga necessary. Madalas po madaling araw ung peak ng kanyang pag iyak. Medyo frustrated na po ako kasi palaging ganun. Naaawa na rin po ako sa kanya. Ano po bang ginagawa ninyong effective ways para mapakalma si baby? Help!!!! #firsttimemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po. Ganun din po baby ko. Palagi pong nag hahalf bath yung baby ko pag gabi. Napansin po kasi namin na mas maganda tulog niya pag ganun. Also, nag a-alarm ako para padedehin siya, hindi yung hinihintay ko na magutom talaga siya.