Palaging umiiyak

Mga mi meron po kaya sa inyo na same ang situation sa akin? Si LO po kasi palagi syang umiiyak. Mag 3 months na po sya pero pansin kong mas matagal ung moments ng iyak nya kesa pag smile. Madalas po syang irritable kahit nagawa na po ang mga necessary. Madalas po madaling araw ung peak ng kanyang pag iyak. Medyo frustrated na po ako kasi palaging ganun. Naaawa na rin po ako sa kanya. Ano po bang ginagawa ninyong effective ways para mapakalma si baby? Help!!!! #firsttimemom

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din baby ko mii. 2months na sys bukas. kahit madaling araw bandang 5am at hapon 5pm din iyak ng iyak baby ko, ang ginagawa ko is nililibot ko sa buong bahay baka bored lang gumagana naman. and lately nakabisado ko sya gusto nya pala sa terrace tipong makikita nya liwanag at malawak na labasan doon sya kumakalma at tingin tingin lang sa paligid mayamaya goodmood at tumatawa na. nabobored din ang bata mommy. soon makakabisado mo din yan pagtyagaan mo lang

Magbasa pa
2y ago

advantage nitong hobby ni baby para sakin is masarap mag kape sa terrace haha sakin yata nagmana anak ko kasi don ko din hilig tumambay kaya ang ginagawa ko napalitan na ng diaper, napunasan ng manzanilla at may timplang dede pati kape ko timplado na bago ko pumunta ng terrace. both kami nakakapag relax although nakakangawit sya bitbitin o ikandong.

Baka kabagin.. ganyan din kasi baby ko from newborn until 1 month.. din pina check ko sa pedia neresetahan sya ng milk na enfamil gentlease.. ngayon mag 3 months na sya maririnig mo lang umiyak kapag gutom.. masayahin na lalo kapag kinakausap parang gusto ng magsalita at tawa ng tawa..😊 sa gabi naman tatlong beses lang sya nagigising kasi mag mimilk.. after mag milk matutulog ulit. Dati kasi karga ko sya plagi hanggang madaling araw kasi iyak ng iyak

Magbasa pa

kapag po madaling araw xa naiyak normally may colic po c baby, ganyan po ung 2nd born ko.. ang nakatulog po sa knya is half bath ng maligamgam then iLU massage, pinagamit dn po namen xa ng pacifier and kapag mag ssleep na po xa, need nia ng white noise.. sabi po ng pedia nia, hanggang 4months po ganyan ang mga baby, walang main reason sa colic pero possible cause po is dahil hindi pa fully developed ang kanilang tummy.

Magbasa pa

mabanas kase mi gnyan lo ko s kapag binabanas ung iyak nya pede mg audition as dramatic actor haha...4 mos na sya sa gbi sya pumapalahaw ng iyak lalo kpg super antok na sya tas sobrang banas kahit sang sulok ng bahay.. minsan sa sofa sya natutulog sinamahan ko kase iba ang panahon ngaun paka init..kinkabag tuloy si lo kakaiyak..

Magbasa pa
VIP Member

Kung naka dede na si baby, walang poop baka po kabag. Mainam pong lagyan ng calming oil like 'yong sa tiny buds sa part ng tummy niya. Kung wala naman pong colic. Baka need niya po ng white noise, kadalasan nakakatulog ang baby sa ingay gaya po ng vacuum cleaner or loud music. Ganun din po kasi na.experience ko sa 1st baby ko.

Magbasa pa
2y ago

Same sa baby ko mas mahimbing ang tulog kapag may ingay sa paligid nya. Kpag super tahimik dun sya nagigising.

TapFluencer

Crying is the only way ng baby to communicate, possible po is irritable sya dahil may kabag si baby. Ganyan po kasi nagyari sa LO ko, hindi naman gutom, check ko if nakagat ng langgam or something makati sa katawan nya. Yun pala irritable dahil sa kabag, minsan kasi yung nag aalaga hindi napapa burp si baby.

Magbasa pa

growth spurt yan mhie...naalala ko LO ko nun kailangan nakatayo sya ihehele kundi gigising at iiyak sya...yakap, at pasensya mhie...lalo na kung napalitan mo na ng damit at diaper...nag-aadjust padin kasi sila saka nalaki sila...tyaga lang

Hi po. Ganun din po baby ko. Palagi pong nag hahalf bath yung baby ko pag gabi. Napansin po kasi namin na mas maganda tulog niya pag ganun. Also, nag a-alarm ako para padedehin siya, hindi yung hinihintay ko na magutom talaga siya.

VIP Member

if napadede, napalitan ng diaper and natry patulugin..check mo buong katawan nya mi, baka may nararamdaman tapos tignan mo din if kinakabag..ganyang month si baby ko madalas kabagin kaya iyak ng iyak.

check higaan ni baby baka may mga nangangagat, ang gatas lapitin po ng mga langgam. lagyan din ng alcamforado or mazanilla yung tyan nya baka kinakabag din sya.