Palaging umiiyak

Mga mi meron po kaya sa inyo na same ang situation sa akin? Si LO po kasi palagi syang umiiyak. Mag 3 months na po sya pero pansin kong mas matagal ung moments ng iyak nya kesa pag smile. Madalas po syang irritable kahit nagawa na po ang mga necessary. Madalas po madaling araw ung peak ng kanyang pag iyak. Medyo frustrated na po ako kasi palaging ganun. Naaawa na rin po ako sa kanya. Ano po bang ginagawa ninyong effective ways para mapakalma si baby? Help!!!! #firsttimemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka kabagin.. ganyan din kasi baby ko from newborn until 1 month.. din pina check ko sa pedia neresetahan sya ng milk na enfamil gentlease.. ngayon mag 3 months na sya maririnig mo lang umiyak kapag gutom.. masayahin na lalo kapag kinakausap parang gusto ng magsalita at tawa ng tawa..😊 sa gabi naman tatlong beses lang sya nagigising kasi mag mimilk.. after mag milk matutulog ulit. Dati kasi karga ko sya plagi hanggang madaling araw kasi iyak ng iyak

Magbasa pa